Barbie's POV
Wala daw kaming pasok ngayon dahil may event daw na pinaghahandaan ang mga teacher. Kaya naglabasan na ang mga kaklase ko. Hindi ako lumabas dahil wala naman akong pupuntahan dito sa campus and besides students are not allowed to go outside the campus. Dapat hintayin pa ang lunch break.
Gusto ko na sanang lumabas dahil ayaw ko sa mga kasama ko ngayon kaso wala talaga akong magawa. Paano ba naman kami-kami lang ang nasa classroom ngayon. As in kami lang. Hindi talaga sila nag-inform na may reunion pala kaming lahat ngayon. Makapag-cellphone na nga lang.
*bzzztt* (vibration ng phone yan)
Kuya Luke
OTW AKO SA ROOM NIYO!!Kung maka-capslock naman si Kuya akala mo may emergency.
Me
Hindi ka rin galit sa capslock nohh? Bakit anong meron? Bakit ka pupunta dito?Oo nga bakit ba siya pupunta dito? Baliw na talaga siya. Baka naman magpatulong siya sa akin kung paano maibalik sa kanya si Ate Jane. Pero mukhang imposible naman nun.
Kuya Luke
MAMAYA KO NA SASABIHIN KAPAG NAKARATING NA AKO DIYAN. MALAPIT NA AKO.Ang laki talaga ng problema niya sa capslock ehh nohh.
Maya maya pa ay dumating na siya sa classroom namin. At iba ang aura niya. Mukha siyang galit. Naglakad siya papalapit sa akin kaya napatayo ako.
"Kuya." mahinang sabi ko. Dahil sobrang kinakabahan ako sa aura niya ngayon.
"MAGPAPAKAMATAY KA BA TALAGA HUH?" pasigaw na sabi niya sabay abot sa akin ng tablet kit ko.
"Sh*t! Nakalimutan ko." mahinang sabi ko.
"BARBIE NAMAN PANO KAPAG DI AKO UMUWI SA BAHAY HUH? PANO KUNG PINATAWAG AKO NI MOMMY SA OFFICE? EH DI HINDI KO NAKITA NA HINDI KA NAKAINOM NG GAMOT MO!" pasigaw na sabi niya. Galit talaga siya at halatang nag-aalala siya para sa akin.
"Kuya calm down!" nagpipigil akong sumigaw.
"HOW CAN I CALM DOWN BARBIE! BUHAY MO ANG PINAG-UUSAPAN DITO. BARBIE NAMAN! NAG-AALALA LANG AKO PARA SA'YO." sabi niya sabay yakap sa akin.
"Sorry Kuya. " mahinang sabi ko.
"Inumin mo na yan! I have to go." sabi niya sabay halik sa noo no bago siya umalis.Uminom ako agad ng gamot ko. At huminga ng malalim at napapikit na lang ako ng mga mata ko.
Napamulat na lang ako ng maalala kong hindi lang pala ako ang tao dito sa classroom. Pagtingin ko sa kanila nakatingin silang lahat sa akin maliban sa isa.
"May sakit ka?" gulat na tanong ni Loisa.
"Kelan pa?" dugtong na tanong ni Maris.
"Bakit di namin alam?" dagdag na tanong ni Riva.Hindi ko sila pinansin at umupo na lang ulit ako sa upuan ko.
"Barbie pansinin mo naman kami! Nag-aalala na kami sa'yo. " napatayong sabi ni Riva at halatang nag-aalala siya.
Tinignan ko siya.
"Nag-aalala? Talaga lang ahh! Ano bang paki niyo kung may sakit ako? Matatanggal niyo ba yun? Diba hindi! " galit na sabi ko.
"Bakit ba ganyan ka Bie? Ang tigas tigas ng puso mo? Bakit hindi mo kami magawang patawarin?" halos pasigaw na sabi ni Maris.
"Bakit hindi niyo tanungin yang mga sarili niyo! Wag kayong magsalita na parang ang dali ng lahat. " pasigaw na sabi ko sabay kuha ng mga gamit ko at sabay labas ng classroom.Dumiretso ako ng rooftop. Thank God walang estudyante.
Bakit parang sobrang dali para sa kanila lahat ng nangyayari ngayon. Pano nila nagagawang makipag-usap sa akin ng ganun-ganun. Akala mo wala silang nagawang kasalanan sa akin.
Alam kong nag-aalala sila para sa akin. Pero kung may sakit man ako,kami lang nila Kuya at Mommy ang nakaka-alam. Wala na dapat pang ibang maka-alam. Tama na 'tong ganito. Mas konti ang nakaka-alam mas okay. Okay na 'tong ganito.
Naka-upo ako ngayon sa sahig at nakatulala habang nakatingin rito.
"Kelan pa?"
Hindi ko inaasahang marinig ang boses na yun. Kaya tumingala ako para masiguradong siya nga.
At tama ako si Ryle nga.
"Tititigan mo lang ba ako o magsasalita ka?" cold niyang sabi.
Ibang-iba na siya bumalik na siya sa dati.
"Wala ka ng pakialam dun!" inis na sabi ko sabay tayo ko.
"May pakialam ako!" diretsong sabi niya.
"Bakit ano ba kita? Kamag-anak ba kita na pwede kong sabihin ang lahat tungkol sa sakit ko? Di ba hindi? Atsaka pwede ba? Kung arte na naman 'to itigil niyo na. Hindi pa ba sapat yung ginawa niyo sa akin sa loob ng ilang taon huh? Tama na!!" pasigaw na sabi ko.Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.
Tinulak ko siya bigla.
"Ryle kung laro na naman 'to please lang. Tigilan niyo na ako! Tama na pwede!" pasigaw kong sabi.
"Bie hindi! Hindi ako nagbibi—" hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil sinampal ko agad siya.
"Alam mo dapat matagal ko na yang ginawa sa'yo!! " madiin kong sabi sa kanya saka ako umalis ng rooftop.Tumulo na naman ang mga luha ko. Akala ko di na ako iiyak ng dahil sa kanya dahil pinangako ko yun sa sarili ko. Pero heto umiiyak na naman ako.
Ryle's POV
Nagulat ako ng bigla akong sinampal ni Bie.
"Alam mo dapat matagal ko na yang ginawa sa'yo!! " pasigaw na sabi niya bago siya umalis.
Napa-upo na lang ako sa sahig at sumandal sa pader.
Tama siya dapat matagal na niyang ginawa sa akin yun. Tama lang sa akin yun,deserved ko yun.
"Bro! Anong nangyare? Nakita namin si Bie galing dito sa taas tapos parang kagagaling lang sa pag-iyak?" nagtatakang tanong ni Jimboy.
Nung narinig ko yung sinabi ni Jimboy parang gusto kong manuntok. Pina-iyak ko na naman siya. Nasasaktan na naman siya ng dahil sa akin. Palagi ko na lang ba siya pai-iyakin? Palagi na lang ba siyang masasaktan ng dahil sa akin? Ng dahil sa amin?
"Umpisa pa lang bro binalaan ka na namin. Pero ano hindi ka nakinig?" mahinahong sabi ni Mccoy na kinainis ko naman. Kaya hinawakan ko yung kwelyo niya.
"Bakit kayo hindi ko ba kayo binalaan! Ehh mga g@go pala kayo ehh!" inis na sabi ko.
"Di ba ikaw na mismo nagsabi na baka siya na naman ang maging dahilan ng pag-aaway away natin? Pero bakit ngayon? Huh? Sabihin mo nga! Bro isang taon na ang nakakalipas! Kalimutan mo na ang lahat ng nanyari! Dahil habang pinipilit mong wag kalimutan ang mga nangyari hindi ka rin makakalimot!" sigaw na sabi niya. Puro na kami sigawan.
"Pano ako makakalimot huh? Sabihin mo nga paano? Kung yung taong nasaktan ko ay yung taong mahal ko! Paano ako makalalimot kung alam kong hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya!" pasigaw na sabi ko.
"Bro di ba ikaw na rin ang nagsabi na nagbago na siya! Bro alam naming nabago ka niya! Saksi kami sa lahat ng yun pero Bro alam naming kaya nagkaka-ganyan ka hindi dahil sa mahal mo talaga siya. Kundi dahil naawa ka lang sa kanya dahil nalaman mong may sakit siya." dagdag na sabi ni Paulo.Napatigil ako sa sinabi ni Paulo. Tama nga kaya siya?
Na kaya ako nagkaka-ganito ay hindi dahil sa mahal ko talaga si Bie kundi dahil sa naaawa ako sa kanya.
Oo nakaramdam ako ng takot na kaya siya nagkasakit ay dahil sa akin. Ng dahil sa amin.
Tama! Naaawa lang ako sa kaniya. Yun lang yun!
——————
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
FanfictionNasubukan mo na bang magtiwala ng sobra. Yung tipong akala mo totoo lahat ng ginagawa nila yun pala laro laro lang lahat. Umalis ako para mag-move on. Para kapag nagkita ulit kaming lahat mapapamukha ko na sa kanila na iba na ako sa dati nilang kila...