Barbie's POV
Pagkatapos naming mag-usap ni Ryle ay umalis agad ako s rooftop at dire-diretsong lumabas ng school. Sakto lunch break na.
Dumiretso akong umuwi sa bahay at pumasok sa kwarto ko.
Bakit ganoon siya? Di ba sabi niya never naman siyang nag-care sa akin. Pero bakit kanina? Bakit ganon siya umasta?
Humiga ako sa kama at pumikit. May naalala na naman ako.
*Flashback*
"Anong ibig sabihin ng mga narinig ko?" umiiyak na sabi ko.
"Narinig mo naman pala ehh. Bakit mo pa tinatanong? Siguro naman hindi ka bobo para hindi maintindihan yun!" cold na sabi ni Ryle.
"Ryle sabihin mong nagbibiro ka lang. Sabihin mong hindi totoo lahat ng narinig ko. Di ba mahal mo naman talaga ako? Kasi ako mahal kita. " halos nagmamaka-awang sabi ko.
"Di ba ikaw na mismong nagsabi na narinig mo ang lahat. Bakit hindi mo na lang tanggapin yung totoo? At tinatanong mo kung mahal kita? Sa tingin mo magagawa kitang saktan ngayon kung talagang mahal kita. Ito ang itatak mo diyan sa utak mo Bie. Ginawa ko ang lahat ng yun para sa mga kaibigan ko hindi dahil sa'yo at lalong hindi dahil mahal kita. I never care for you. At kung feeling mo nagca-care ako sa'yo well congrats pala sa akin ang galing kung umacting. " dire-diretso niyang sabi.Sa sobrang sakit ng sinabi niya ay tumakbo ako palayo sa kanya.
*End of Flashback*
Tumulo na naman ang mga luha ko. Kapag naaalala ko lahat ng yun,parang ang sakit sakit pa rin. Hindi ko akalaing mapaglalaruan ako ng ganon. Ng ganon katagal.
*tok! tok!*
Inayos ko muna ang sarili ko.
"Pasok!" sigaw ko.
"Barbie kain ka na." yaya ni Kuya Luke.
"Sige Kuya." sabi ko naman.Bumaba na ako para kumain. Pagkatapos kumain ay natulog na ako agad.
Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya maaga rin akong pumasok.
Pagdating ko sa room ay eksaktong nandon na sila Riva. Nginitian nila ako pero ini-snob ko lang sila.
Biglang tumayo si Ryle at pumunta sa harap ko kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Anong problema mo?" mataray na sabi ko.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Ikaw ang problema namin!" sigaw na sabi niya.
"Ano ba talagang problema niyo? Hindi niyo ba talaga ako titigilan? Hindi niyo ba talaga maintindihan huh? Atsaka bakit mo ba ako sinisigawan huh?" iritang sabi ko.
"Bakit sobrang tigas ng puso mo? Bakit hindi mo kami magawang mapatawad?" pagalit na sabi niya.
"Hindi magawang mapatawad? Paano ko kayo papatawarin? Sobrang sakit ng ginawa niyo sa akin. Kaya wag kayong mag-expect na mapapatawad ko kayo." inis na sabi ko.
"Hindi mo lang alam,lagi kaming nagdudusa sa ginawa namin sayo Barbie. Akala mo ba masaya kami na ginawa namin sayo yun? Hindi Barbie! Matagal na kaming nagsisisi at hanggang ngayon nagsisisi pa rin kami." nakita kong pumatak ang luha ni Loisa.
"Nagsisisi? Sana sa una pa lang hindi niyo na tinuloy. Ang sakit mapaglaruan,alam niyo ba yun? Akala ko magiging totoong kaibigan ko kayo,pero ano? Niloko niyo ako! Pinaglaruan niyo ako! Tapos ngayon gusto niyong patawarin ko kayo? Ang sakit sakit! Alam niyo ba yun? Tinuring ko kayong kaibigan pero ano? Pinaglaruan niyo ako? Ganun pala kayo trumato ng kaibigan? Ganun pala kayo ka-friendly! " bitter na sabi ko sa kanila sabay labas ng classroom.Dumiretso akong rooftop. At umiyak ako ng umiyak. Ang sakit sakit! Akala ko nakalimutan ko na. Pero bakit ganon? Kapag naaalala ko nasasaktan pa rin ako? Bakit kapag nakikita ko sila feeling ko hanggang ngayon pinaglalaruan pa rin nila ako.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
FanfictionNasubukan mo na bang magtiwala ng sobra. Yung tipong akala mo totoo lahat ng ginagawa nila yun pala laro laro lang lahat. Umalis ako para mag-move on. Para kapag nagkita ulit kaming lahat mapapamukha ko na sa kanila na iba na ako sa dati nilang kila...