Chapter 10

207 8 7
                                    

Ryle's POV

"Bro nabalitaan mo na?" tanong ni Joshua
"Ang alin?" diretsong tanong ko.
"Nagtransfer dito ex mo. Ikaw talaga laging huli sa balita!" diretsong sabi ni Tom.
"Alam ko." walang ganang sabi ko.
"Alam mong nagtransfer siya dito o alam mong lagi kang huli sa balita?" minsan talaga parang ewan itong Mccoy na ito.
"Eh kung hampasin kita diyan? Alam kong nagtransfer siya dito." inis na sagot ko.
"Alam mo? Paano?" nagtatakang tanong ni Jimboy.
"Naalala niyo nung tumambay tayo sa registrar office? Yun nakita kong may nakapatong na papel sa lamesa kaya binasa ko. Tapos yun nalaman ko." walang ganang sagot ko.

Tinitigan nila ako na parang ang lalalim ng iniisip nila. Nakipagtitigan din ako sa kanila.

"Para kayong mga ewan! Ano bang iniisip niyo?" iritang tanong ko.
"Hindi ka man lang naba-bother na dito na mag-aaral yung ex mo?" tanong naman ni Paulo.
"Bakit naman ako maba-bother. She's just my ex. Lahat ng pinagsamahan namin naiwan na lahat sa nakaraan. Yun na lang yun." seryosong sabi ko.

Natahimik na lang ang lahat. Mabuti naman dahil kapag nagsalita pa sila ng nagsalita baka lalo lang akong ma-awkward sa pinag-uusapan namin.

Taki Saito. Paano ko ba makakalimutan ang babaeng minahal ko ng sobra pero pinaglaruan lang pala ako. Paano ko ba makakalimutan ang taong sobrang pinahalagahan ko pero binalewala lang pala ako. Paano?

"Ang lalim ng iniisip natin ahh!" napatingin ako nung nagsalita si Loisa. Andito na pala sila,hindi ko man lang napasin.
"Nagugutom na kasi ako eh." palusot na sabi ko.
"Eh di kain na tayo." yaya naman ni Jimboy.
"Si Maris pa hintayin natin. Malamang late yun." sabi naman ni Sammie.
"Oh andiyan na pala sila ehh!" sabi naman ni Tom. Nagulat kami sa sinabi niyang sila kaya tumingin kami sa pinto. Kasama niya si Manik--- si Bi---- si Barbie pala.
"Hey guys! Parang nakakita kayo ng multo ah!" birong sabi ni Maris. Nanatili lang kaming tahimik. Nakita ko si Manik---- si Barbie na palinga-linga na tila parang hindi komportable sa sitwasyon naming lahat ngayon.
"Ahh guys! Tara na kain na tayo andiyan na si Maris ohh!" pagputol sa katahimikang sabi ni Mccoy.
"Tara na!" sabay sabay naming sabi.

Habang naglalakad kami ay tahimik lang. As in sobrang tahimik. Walang gustong magsalita. Tila lahat ay may sariling mundo ng katahimikan.

"Ahm guys! Sinama ko si Bie ah. Kasi wala siyang kasama ehh." pagputol ni Maris sa katahimikan.
"Okay." sabay-sabay ulit na sabi namin.


Nakita kong ngumiti si Bie. Napatawad na kaya niya kami? Sana.



Barbie's POV

Pagdating namin sa canteen ay umupo na kami sa mahabang lamesa na kasya kaming lahat.

"Kami ng mag-oorder. Ano sa inyo? Sa'yo Bie?" tanong ni Paulo na parang nahihiya pa rin.
"Kung ano sa inyo yun na rin sa amin. Ikaw Bie?" tanong naman ni Maris.
"Ganun na rin." mahinang sabi ko.

Nagpunta na ang boys para umorder ng pagkain namin. Kaming girls ay tahimik lang dito. Kanina ko pa napapansin ang tatahimik nilang lahat. Ayaw ba nilang nandit ako?


Ilang minuto pa ay dumating na ang boys dala dala ang pagkain naming lahat. Isa-isa nilang nilapag ang mga pagkain. Pagkatapos nilang ilapag yung mga pagkain ay nag-umpisa na kaming kumain.

Kain lang kami ng kain. Puro nguya lang namin ang maririnig mong ingay. Wala ba talagang magsasalita sa kanila?

"Ahm Bie? Napatawad mo na ba kami?" tanong ni Nikki. Sasagot na sana ako ng biglang nagsalita si Maris.
"Sasama ba siya dito kung hindi?" pabarang sabi ni Maris.
"Kelan pa naging magkatunog ang Bie at Maris. At ikaw Maris ang sumagot?" birong sabi ni Mccoy kaya nagtawanan kaming lahat.

Tumigil silang lahat sa kakatawa at napatitig sa akin kaya pahina na ng pahina yung tawa ko. Naguguluhan na ako sa inaasta nila.

"Nakakamiss yung tawa mo Bie." diretsong sabi ni Riva.

Napangiti na lang ako. Ganun na ba kalaki ang epekto ng pagtawa ko sa kanila?

"Having fun huh?" napatingin ako sa nagsalita. Si Taki. Ryle's Ex.
"Napaaga naman ata pagpasok mo. Sana nag-inform ka para naman napaghandaan ko." pabarang sabi ko.
"Tsk! Tsk! Hindi ko naman kailangan ng engrandeng welcome party. Simple welcome will do." nakangiting sabi niya pero halatang peke.
"Nagbago na isip ko eh and besides your not special to me at all." inis na sabi ko.
"Ouch naman Barbie. Parang wala naman tayong pinagsamahan?" pagpapaawa effect niya.
"Oh? Meron pala tayong pinagsamahan? Sorry madali talaga akong makalimot lalo na pag hindi importante sa akin." pang-iinis ko sa kanya.
"Let's go girls!" inis na tawag niya sa mga alipores niya.
"And Barbie Imperial wins!!!" sigaw nilang lahat.
"Mga sira hahaha!" tawanan kaming lahat.


Taki Saito ang mala-anghel sa itsura kong pinsan pero may kademonyohan. Ewan ko ba diyan laging badtrip sa akin. Lagi siyang highblood. And guess what nalaman ko pang ex niya si Ryle. Paano? Inaway niya ako na ako daw ang dahilan kung bakit sila nag-break ni Ryle. Pakialam ko naman kung nagbreak sila. Ako pang may kasalanan ganern? Mapanghusga din yung babaeng yun ehh.


Top reasons why Taki hates me so much. Number 1, sa buong angkan namin mas magaling ako kesa sa kanya. Magaling sa pag-aaral. Pangalawa, mahal na mahal ako ng Mommy niya which is my Aunt. Pangatlo,mas mahal ako ni Lolo't Lola kesa sa kanya. At siguro bunos na lang yung kagandahan ko charrrooot. Siguro kung may lamang siya sa akin,yun ay yung kompleto yung pamilya niya. Masaya siya kasama ang Mommy at Daddy niya.

Pinsan ko siya pero ang tingin niya sa akin karibal. Lahat ng wala sa kanya na meron sa akin ang lagi niyang hinahangad. Pero hindi niya naisip na meron siyang isang bagay na hawak niya na kahit kailan ay alam kong hindi na ako magkakaroon. Ang swerte niya nga kung tutuusin eh pero hindi pa rin siya kontento. Too bad for her.


"Ahm Barbie,hindi naman sa nangingi-alam pero mangingi-alam na rin ako. Ano yung sinasabi ni Taki na parang wala naman kayong pinagsamahan?" nagtatakang tanong ni Loisa.
"She's my cousin." nakangiting sabi ko.
"COUSIN!!??" sigaw nilang lahat. Pero tumango na lang ako.


Pinsan ko siya pero baka isang araw makalimutan ko na lang na pinsan ko pala siya dahil sa mga pinaggagawa niya sa akin.


Hindi ako masamang tao. Pero kapag pinilit mo magagawa ko. Kaya wag niyo akong pilitin.


Pinsan ko siya,pero saktan niya lang ako. Masasaktan ko din siya.


Hindi na ako magpapa-api sa kanya o kung sa kahit kanino man. Natuto na ako.

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon