Chapter 12

192 9 7
                                    

Barbie's POV

Kinabukasan maganda ang gising ko. Ewan ko kung bakit pero basta sobrang saya ko.

Pagdating ko sa classroom andun na sila Maris. Kumuway sila sa akin kaya lumapit ako sa kanila.

"Good morning!" masiglang bati ko sa kanila.
"Good morning." bati rin nila.
"Anong meron?" nagtatakang tanong ko.
"Nagtataka ka pa talaga ah. Uyy Barbie thank you huh? Thank you dito sa bracelet!" masayang sabi ni Riva. Napangiti ako.

Talagang plinano ko na yung pagbigay ko sa kanila ng bracelet bago kami pumunta ni Maris sa canteen kahapon.

Pinapatawad ko na sila. Napatawad ko na sila. At masaya akong nagawa ko na silang patawarin. Ang saya pala sa pakiramdam na ganun.

"Ang saya natin ah!" nagulat ako ng biglang nagsalita sa Taki.
"Bakit inggit ka?" pagtataray ni Nikki.
"I'm not talking to you!" taray na sabi ni Taki.
"Hindi? Eh sino yung hangin? Baliw ka talaga. Hahahaha!" pang-iinis ni Sammie.

Umirap na lang si Taki sabay alis sa harap namin. Oo nga pala magiging classmate namin siya. Anong nangyari sa kanya at naisipan niyang lumipat dito?

Wag niyang sabihing kaya siya lumipat dito ay dahil dito na ako nag-aaral. Baliw talaga yung taong yun. Ano bang ikinagalit sa akin nun? Wala akong maisip na dahilan.

"Barbie Kuya mo nasa labas."sabi ni Loisa kaya agad akong napatingin sa labas. Andun nga si Kuya.

Naglakad ako papalapit sa kanya.

"What Kuya?" diretsong tanong ko. Alam ko may kailangan siya kaya nandito siya.
"Pangss I need your help." nakangiting sabi niya. Sabi ko na nga ba eh.
"Ano naman yun?" tanong ko sa kanya habang nakataas yung isang kilay ko.
"Ahh-ehhh-ahh." nagdadalawang isip pa siya.
"Sasabihin mo o hindi kita tutulungan?" diretsong sabi ko.
"Malapit na ang acquaintance. Kaya hihingi sana ako ng tulong sayo at sa mga kaibigan ko." there you go Kuya nasabi mo rin.
"Sino bang yayayain mo?" diretsong tanong ko.
"Si Karen." diretsong sabi niya. Napasimangot ako. Akala ko si Ate Jessica ang yayayain niya. Hindi pala.
"Thank you sissy. Itetext ko ang plan sayo. And sana magawa niyo na bago matapos ang araw na ito ngayon ko siya yayayain ehh. Thank you!" sabi niya ng nakangiti sabay alis sa harap ko.

Nadismaya ako. Umasa akong si Ate Jessica ang yayayain niya. Akala ko si Ate Jessica hindi pala.

Naglakad na ako papasok at bumalik sa dati kong pwesto.

"Bakit anyare?" tanong agad ni Tom.
"Si Kuya hihingi daw ng tulong sa atin." diretsong sabi ko.
"Anong tulong?" kunot noong tanong ni Jimboy.
"Tulungan daw natin siyang gumawa ng props para sa pagyaya niya kaya Ate Karen para sa acquaintance." sabi ko habang binabasa yung text ni Kuya.
"Anong props?" tanong naman ni Paulo.
"Lettering daw ng will you be my date." inis na sabi ko.
"Ayaw mo bang tulungan Kuya mo? Bakit parang biyernes santo yang mukha mo?" tanong naman ni Ryle.
"Hindi sa ayaw noh. Paano natin magagawa eh may klase tayo diba?" pagdadahilan ko. Pero ang totoong dahilan ay ayaw ko sa babaeng yayayain ni Kuya. Kilalang playgirl si Ate Karen. Bakit siya pa? Pwede namang si Ate Jessica ehh.
"Wala daw tayong pasok. Pumasok si Ma'am kanina dito habang kausap mo Kuya mo sa labas busy daw silang lahat para sa nalalapit na acquaintance ." pagpapaliwanag ni Mccoy. Napakunot noo ko. Kaasar naman. Mas gusto ko si Ate Jessica ehh.

Dahil wala nga kaming pasok inumpisahan na naming gawin ang lettering para sa plano ni Kuya Luke. Kaasar talaga. Si Ate Jessica gusto ko ehh.

Habang ginagawa namin yung lettering masama pa rin loob ko. Nakakaasar. Nakakaasar talaga. Buti sana kung para kay Ate Jessica kaso hindi ehh. Kakaiyak.

Ng matapos na namin ay tinext ko na si Kuya. Nagreply siya. Walanjo!! Di pa nakontentong kami ang naglettering gusto niya pa kami ang maging taga-hawak. Sarap niyang sapakin. Seryoso!

Ng makarating kami sa harap ng building nila parang gusto kong magmura. Walanjo talaga! Gusto ata niyang mag-eskandalo sa buong school ahh. Nababaliw na ba siya?

Hindi na ako nakareklamo sa kanya. Paano ba naman? Dadagdagan niya daw allowance ko!! Oh diba? Sinong aayaw dun? Kaso si Ate Jessica talaga yung gusto ko para kay Kuya Luke ehh. Kaasar naman kasi si Kuya. Sarap ipalapa sa Leon.

Hinihintay na lang namin silang lumabas. Kapag lumabas na daw silang dalawa hudyat na yun para ipakita yung ginawa naming lettering. Gusto kong isabotahe plano ni Kuya ehh kaso yung dagdag allowance! Ang galing mangpikot ng tao ni Kuya nakakaasar!


Ng lumabas sila ay hudyat na. Unti unti naming binaliktad yung lettering para mabasa niya. Ng mapakita na lahat ng words biglang lumuhod si Kuya sa harap ni Ate Karen. Duhh! So corny! Si Ate Karen naman ay may nalalaman pang hawak hawak sa bunganga na halatang nasorpresa. Unti-unting tumango si Ate Karen kaya napatayo si Kuya at niyakap siya. Naghihiyawan na ang mga estudyante.

Inilibot ko ang paningin ko. Sana wala dito si Ate Jessica para hindi niya makita.  Sana wala talaga siya.

Bago ko maibalik ang tingin ko kila Kuya ay napatingin ako sa isang babaeng unti-unting pumapatak ang mga luha. Sh*t Ate Jessica. Tumalikod siya at nag-umpisang naglakad palayo.

Binitawan ko yung hawak ko at hinabol siya. Wala na akong pakialam kung magtaka yung mga kaibigan ko. Tutal tapos naman na ang role ko dun ehh. Damn! Ate Jessica's crying.

Tumakbo ako ng tumakbo. Masyado siyang mabilis. Nakita kong tinatahak niya ang daan patungong rooftop. Damn you Kuya Luke!

Nasasaktan si Ate Jessica. Nasasaktan talaga siya. Mahal niya ang Kuya ko. Alam ko yun. Nakikita ko yun. Mahal na mahal niya ang Kuya ko. Pero iniwan niya ang Kuya ko hindi dahil ayaw na niya. Gusto lang niyang magbago si  Kuya. Pero nothing happens.

Kuya Luke will always be Kuya Luke. And I hate it. Nakakaasar siya. Alam kong mahal din niya si Ate Jessica pero di niya nagawang habulin. Hinayaan niyang lumayo si Ate Jessica. Kaya kasalanan niya lahat kung bakit siya nasaktan ng ganun. Pero si Ate Jessica hindi niya kasalanan.

Hindi niya deserved!

———

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon