Ryle's POV
Nababatrip ako kay Kuya Luke! Putek! Bakit kailangan pa niyang magsinungaling?
Si Bie? Pupunta ng America? Pupuntahan ang Daddy niya? Imposible! Eh halos patayin na niya sa utak niya ang daddy sa sobrang galit nito sa kanya tapos pupuntahan pa niya. Imposible talaga. Napaka-imposible.
"Ryle tumawag na yung investigator na pinadala natin sa Amerika." napatingin ako kay Jimboy dahil sa sinabi niya. Andito kami sa classroom ngayon.
"Anong sabi?" walang ganang sabi ko.
"Isang linggo silang nagmanman sa bahay ng daddy ni Bie at walang Barbie na naglalabas pasok sa bahay. At nacontact na rin ni Sammie yung tita niyang nagtratrabaho sa airport at wala sa records nila na umalis ng bansa si Barbie. Ibig sabihin nandito lang si Barbie sa Pilipinas." dire-diretsdire-diretsong sabi ni Jimboy. At tila nag-init ang ulo ko sa sinabi niya kaya agad akong tumayo.Mabilis akong naglakad palabas ng classroom namin. Narinig ko pang tinawag ako ng mga kaibigan ko at tila nakarinig pa ako ng mga yapak na sumusunod sila sa akin.
Nakasalubong ko pa ang susunod na teacher namin pero wala akong pakialam sa kanya. Hindi ko naman siguro ikakamatay ang isang beses na hindi ko pag-attend sa klase niya.
Agad kong tinungo ang college department! Curse you Kuya Luke! You keep on hiding Bie to us! Curse you to death!
Napatigil ako sa paglakad ng biglang may humila sa akin at napatingin ako dito. At lalo pang nag-init ang ulo ko ng makitang tila naiinis si Loisa.
"Ano na naman bang nasa utak mo Ryle. Pumasok na tayo and–" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil badtrip na rin ako.
"Sino bang nagsabi na sundan niyo ako? Eh di pumasok kayo!" inis na sabi ko at talikod at dire-diretsong naglakad.Agad kong tinahak ang Business Management Building.
"Ano na naman bang plano mo Ryle? Hindi ka na naman nakikinig." malakas na sigaw ni Riva. Kaya nilingon ko sila.
"Ano bang problema niyo? Gusto ko lang puntahan si Kuya Luke. Gusto kong malaman sa kanya yung totoo. Gusto kong sa kanya mismo manggaling ang lahat ng katotohanang gusto kong malaman." galit na sabi ko.
"Yan! Yan na naman yung mga gusto gusto mo! Lahat ng gusto mo kailangan magawa! Kaya lagi tayong napapahamak eh dahil diyan sa mga walang kwenta mong kagustuhan!" tila nagpantig ang mga tenga ko sa sinabi ni Mccoy kaya agad ko siyang kwinelyuhan.
"Walang kwenta?! Walang kwenta ba yung gusto ko lang malaman kung bakit biglang nawala yung kaibigan natin? Walang kwenta ba yung malaman natin yung totoong dahilan? Sabihin mo sa akin! Walang kwenta ba yun?!" nagpipigil sa galit kong sabi.
"OO! WALANG KWENTA! Putik bro! Tatlong buwan na niya tayong pinagtataguan tapos ikaw itong parang tanga na hanap pa rin ng hanap sa taong ayaw magpahanap!" hindi na ako nakapagpigil sa katabilan ng dila ni Mccoy kaya agad ko siyang sinunggaban ng suntok!"OMG! Ano ba yan!" awat sa amin ng mga kaibigan namin.
"Tumigil nga kayo!" saway sa amin ng mga kaibigan namin dahil sinusubukan ding makasuntok ni Mccoy. At tila parang gusto pa ng gulo. Tila gusto pa nitong sumugod.Susugod pa sana ako ng may humarang na naman. It's Kuya Luke with ate Jessica.
"Ano bang ginagawa niyo!? Bakit nag-aaway away kayong magkakaibigan?" sigaw na sabi ni Kuya Luke.
"Bakit kami nag-aaway away? Dahil sayo! Dahil hindi mo pa rin sinasabi ang totoo! Damn you! Wala si Bie sa America nagpadala kami ng investigator dun at wala siya dun! Nasan ba talaga si Bie Kuya Luke?" inis na sigaw ko.
"Hindi ba talaga kayo titigil? Ang kukulit niyo!" iritang sabi ni Kuya Luke.Magsasalita pa sana ako ng biglang.
*Kriing! Kriing! Kriing!*
Nagring ang phone ni Kuya Luke kaya napatingin kami sa kanya.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
FanfictionNasubukan mo na bang magtiwala ng sobra. Yung tipong akala mo totoo lahat ng ginagawa nila yun pala laro laro lang lahat. Umalis ako para mag-move on. Para kapag nagkita ulit kaming lahat mapapamukha ko na sa kanila na iba na ako sa dati nilang kila...