GOL 12

13 1 0
                                    

Sofie's POV

Andito kami ni Thea sa mall nag early dismissal kasi dahil sa biglaang meeting. So nag mall nalang kami at namili ng ma gustuhan namin. Maaga pa naman para sa game mamaya.

Pumasok muna kami sa isang boutique at namili ng masusuot namin mamaya.

"Girl, Bagay naman sa dress ang flat shoes diba?" Tanong ko, dahil di pa naman ako ganun ka sanay about dito.

"Oo, Well may taste kana ngayon ah. Anong nakain mo?" Tanong niya at nag bigay ng tingin na nakaka asar.

"Tch! Ang dami mong sinabi. Para mo naman sinabi na ang pangit ko talaga dati" pag mamaktol ko. pero kahit ganyan yan mahal ko yan.

"Hehe, Joke lang tara bayaran na natin." at hinila na niya ako sa counter.

Pag tapos mamili ay umuwi na kami sa bahay. Nag palit na kami at this time ako ang nag ayos sa saril ko. Nag Dress ako na Red simple lang siya. may konting design na flowers sa bandang laylayan. At nag black flat shoes ako na simple lang din. Hindi naman mawawala ang bigay ni Luis sa akin na Ear rings at Neck lace. Sinuot ko naman yung relo na bigay ni mom sa akin dati. Silver with diamond watch. Nag powder lang ako at Lip bomb nag kilay at the same time nag maskara. Ewan nakita ko lang kay Thea. May dala din akong sling bag na kulay white. para sa mga importante kung gamit.

Si Thea, ayan maganda pa din as usual dahil lagi naman. Tuwang tuwa din siya para sa akin. dahil finally natuto na daw talaga ako. sayang naman daw kasi ang genes ng mga magulang ko. e nag iisang anak pa naman daw ako. At ang dami niyang alam.

After that umalis na kami at gaya ng sabi ko kagabi ay mag Tataxi nalang kami. dahil tamad talaga kamk mag drive. ayaw ko naman na mag pahatid pa kami sa driver namin dahil pagod na yung mga yun although trabaho nila pero ayaw ko naman abusuhin kapag alam ko naman na kaya ko.

"Girl, ang ganda mo" Puri nanaman niya. siguro kahit 20 beses nasabi niya na. ewan ko ba diyan sa kaibigan ko kung ano nakain.

"Alam mo tigilan mo na ang pambobola sa akin kanina mo pa ako binobola e." Kasi naman nahihiya na ako. ito kasi yung unang beses na pimuri talaga ako ng best friend ko.

"Che! ikaw na to pinupuri ayaw mo pa" Nag tampo agad?

"Hindi naman sa ganun. Hindi lang kasi ako sanay e. Pero thank you kasi kundi dahil sayo diko rin naman ma rerealize to" At yun ang totoo dahil sa tinagal namin mag kaibigan at halos kapatid na nga ang turing ko sa kanya. Isa siya sa importanteng tao na naka paligid sa akin at mahal ko talaga.

"Welcome! Pero alam mo tama lang yan para makita ni Jan kung sino yung sinayang niya" Tila sigurado talaga siya sa opinion niya. Nawala yung ngiti sa mga labi ko. Napansin ko lang this past few days di na ako ganun ka apektado sa presence ni Jan. Pero sa sinabi ni Thea ay naapektuhan ako kasi ibig ba nun sabihin ay kaylangan ko muna maging maganda bago ka mahalin ng taong mahal mo. Ang sakit diba? kailangan mo muna baguhin ang nakasanayan mo para lang mapansin ka? Pero kahit masakit yun naman yung hinagawa ko ngayon diba?

"Hey, Sofie sorry" Diko napansin na natulala na pala ako.

"It's okay Thea" at ngumiti nalang ako ng pilit.

"Pero girl mahal mo ba talaga si Luis? o ginagawa mo lang yan para mapansin ka ni Jan?" Diretso niyang tanong. Umiwas naman ako ng tingin. Honestly gusto ko sabihin kay Thea na OO para mapansin ako ni Jan. Pero alam kung hindi pwede dahil bukod sa baka bogbugin niya ako e. Unfair para kay Luis. Pilit nalang ako tumawa para mawala yung tensyon.

"Ano kaba girl, Kilala mo naman ako diba? Mahal ko si Luis yun lang yun at hindi naman ako gagamit ng tao para lang mapansin ako" Pero yun ang ginagawa ko. at nakokonsensya ako.

Game Of Love [On-Going]Where stories live. Discover now