Sofie's POV
3 Days na ang nakakalipas simula nung ginusto ko mag karoon ng space. Si Thea lagi ako nilalapitan pero di pa ganun kami ka okay. Kinakausap ko siya, oo pero di pa ako handa e.
Si Luis, Hindi na ako nag reply sa kanya hindi ko din naman alam yung sasabihin ko. Pipigilan ko ba? o kalilimutan nalang? Ang sakit! Ang alam ng barkada may LQ lang kami. Tinatong nila ako pero diko na sinasagot. Mamaya plano nila mag bar, niyaya nila ako pero hindi ko alam kung kaya ko na ba siya makita. Alam mo yun? ang hirap pala talaga mag mahal ng patago lalo na kung biglaan.
1 Message Received
MickeySi Jan naman ayun, concern siya sa nangyayari pero wala padin siyang alam. At wala din naman akong balak na ipaalam sa kanya. Alam ko magagalit siya isa pa malalaman niya na siya ang dahilan kung bakit ko ito pinasok at ayaw ko mangyari yun. Sinabi niya din na hindi pa daw nag sasalita si Luis sa kanila. Sa 3 days na yun bumalik siya sa dati Bars and GIRLS. Hindi nadin siya nag text sa akin after nung text niya na ayaw niya na daw.
Fr: Mickey
Hey! Miracle nasabihan na ni Adrian si Thea na sumama sabay na kayo. I hope maka punta ka. Monthsary namin ni Hannah. Gusto ko andoon ka, See you!
Ahh! Monthsary pala nila. Wala nalang naman sa akin e. Kasi nga isang tao lang naman laman nito ngayon.
"Sofie, May itatanong ako. If okay lang" Ka block ko si Kristine. Tumango naman ako.
"Hiwalay na ba kayo ni Luis. Yung varsity?" Literal akong nagulat sa tanong niya. Paano niya nasagap yan
"Huh? kami?" Pag lilinaw ko
"Oo, nakita kasi namin siya kagabi ng friends ko sa bar sa Makati e. May kasama siyang babae. And sweet sila akala ko nga ikaw yun." Malungkot niyang sabi. Para naman akong napako sa mga sinabi niya. Ano si Sam ba yun? Kaya ba?
"Uyy, sorry umiiyak kana. Well alam ko maayos nyu din yan. Sorry talaga" Pero diko siya pinansin. Diko matanggap. Naramdaman ko ang pag lapit ni Thea at ang pag alis ni Kristine.
"Shh, Sofie wag kana umiyak" Pag papatahan niya sa akin. Para naman may sariling utak yung paa ko at napa takbo palabas ng room. Tumakbo ako papuntang restroom at nag kulong sa isang cubicle.
Dito na ako tuluyang umiyak ng umiyak. Pinag susuntok ko yung dingding. Alam ko na nasa labas lang si Thea.
Kahit na pinalabas ko siya sa buhay ko andiyan pa din siya para sa akin. Diko na alam ang gagawin ko, Ibibigay ko na ba yung gusto niya? Hahayaan ko na ba?
Tama!.pupunta ako mamaya at sasabihin ko na okay lang na mawala na talaga siya sa buhay ko. ayaw ko na! Ang sakit sakit na. Ang bilis niya ako palitan!
I Like You
Malay ko na di pala para sa akin yun. Sabagay LIKE lang naman yun not LOVE ako lang naman tung umasa.
30 mins din ako nag tagal sa cubicle. Namumula na din yung mga kamay ko. Pag labas ko di nga ako nag kamali andoon si Thea. Sinalubong niya ako ng yakap
"Im Sorry, Kung alam ko na ganyan ang pinagdadaanan mo sana hindi na ako dumagdag." Sabi niya. Bumitaw siya sa yakap. Inantay ko lang yung mga susunod niya pang sasabihin
"You know what, mali ako hindi ka naman mahina e. Kasi kung mahina ka kay Jan palang wala kana. Isa pa dika naman mahirap mahalin. Siguro may mga tao lang na di talaga nila ma appreciate yung Love mo. But Sofie tatandaan mo na mawala na lahat sayo pero hindi ako. Andito ako para sayo kahit anong mangyari. I love you" At niyakap niya ako ulit, parehas pa namin kaming iyakin.
YOU ARE READING
Game Of Love [On-Going]
Teen FictionHow Love can play with us? Hi, Im Thalia first of all i wrote this because im inspired. 15 y/o. I hope you like it. Love yeah guys.. Meet Miracle Sofia Chandria, A girl who loved Luis.. How they fight for love. if love playing with them.. Lets Se...