GOL 17

13 0 0
                                    

Luis POV

Bakit pakiramdam ko mahal niya ako? Pero si Jan padin pala ang mahal niya. Kanina nung sinabi niya na binibigay niya na yung gusto ko. Parang gusto ko na ibato lahat ng nasa Table.

Hindi ko naman ginusto yun e. Ayaw ko kaso tama na din pala, nag mumukha lang akong tanga.

Naiinis din ako sa mga kaibigan ko, Mga babaero. Kilala ko sila lalo na si Tyler alam kung may gusto siya kay Chandria. Pero ayaw ko na mapunta sa kahit sino si Chandria.

Yung sinabi ko sa kanya na kanina na mas Better pa si Sam sa kanya. I didn't mean that, dahil wala naman na mas hihigit sa kanya. Nadala lang siguro ako ng emosyon ko.

"Luis, Tama na yan marami kanang naiinom" Kanina pa siya. Nakakaiirita, hindi nadin kasi ako bumalik sa table ng barkada. Dahil baka masapak ko lang yung Tatlo.

"Please let me do this, di kita girlfriend" Inis kung sabi. Kita ko naman sa kanya na gusto niya ako. Pero si Chandria lang talaga e.

"Sorry" Tumango lang ako, Lumayo naman siya. Kanina nung nahuli kami ni Chandria na nag hahalikan, Yes I Response with that Fvcking kiss. Dahil galit ako ng marinig sa kanya na binibigay niya ang bagay na kailan man diko ginusto. Nasasaktan siya pero nasasaktan din naman ako.

"Dude, anong problema sa inyo ni Sofie?" Si Dino pala.

"Wala" Tipid kung sagot. Tinap nya naman likod ko at tumabi sa akin.

"Alam mo, mahal mo e pero bakit imbis suyuin mo lumalapit ka sa iba? Nasasaktan din siya" May point siya. Pero di naman ako ang lumalapit kay Sam. Siya ang lumalapit sa akin. Kanina dapat tatabihan ko si Chandria pero umupo agad si Sam at hinila ako. Sakto naman niyaya ni Ethan si Chandria kaya wala din akong nagawa.

"Kanina pag labas ni Sofie ng CR alam namin na umiyak siya. Isa pa dumudugo ang kamay niya. Tanga lang ang maniwala na nadulas siya" Kaya ba pinabibitaw niya ako? Isa pa dahil ba dun sa nakita niya? Tangina! gulong gulo na ako! ani ba talaga?

"Alam ko na mahal ka ni Sofie, kita naman sa kanya e. Mas malala pa nga sa nakita namin nun kay Jan. Natuto niya baguhin ang sarili niya maski ikaw kaya sana maayos nyu yan" Tama na miss ko na yung Luis pag kasama siya.

"Dude, kung ako sayo wag mo nang pakawalan. Mukhang malakas ang Tama nung tatlo e. Nag papaalam kay Jan" Gago talaga yung mga yun. Sh*t!

"Fvck them, akala naman nila hahayaan ko mangyari yun?" T*ng*na kahit kaibigan ko sila mabubogbog ko sila.

"Kaya ayusin mo, para ka rin si Adrian e, gusto niya si Thea pero torpe. parang di kayi mga babaero e." Biri niya, Talagang maasahan si Dino dahil siya ang mature mag isip sa amin.

"Sige na.  Pag iisipan mo" Tumango nalang ako.

One day Chandria you'll be mine! And mine alone! hindi ako papayag na mawala ka sa akin. Aaminin ko sayo na mahal na kita. At sana ako nalang. I know its gay but i love you that's all.

------

Sofie's POV

Ang sakit nang sabihin niya na mas Better pa si Sam sa akin. Kasi naiisip ko din na baka mas Better si Hannah sa akin kaya hindi dn ako magawang mahalin ni Jan.

Si Thea andito lang siya sa tabi ko sa kama. Pinapakalma ako sa kakaiiyak pero wala e. Ang sakit!

"Sofie, Alam mo madami pa namang lalaki diyan malay mo hindi lamg talaga si Luis o si Jan ang para sayo" Kung ganun bakit kailangan ko pa masaktan ng ganto diba? Bakit ko kailangan umiyak ng ganito.

"Diko alam kung paano ko papagaanin ang nararamdaman mo pero andito lang ako lagi para sayo" Hindi ko magawang sumagot sa mga sinasabi niya. Tanging mag hikbi lang ang ginagawa ko.

Game Of Love [On-Going]Where stories live. Discover now