GOL 21

28 1 0
                                    

Sofie's POV

"Hey! Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko pero huminto nalang kami sa Tabing dagat na wala masyadong tao. Hapon nadin naman.

"Im Sorry, alam ko nagagalit ka kasi tinulungan ko siya" sabi niya habang naka tingin sa malayo. Huminga naman ako ng malalim

"First, Hindi ako nagagalit kasi tinulungan mo siya. Naiinis oo kasi hindi ka man lang lumingon o nag paalam sa akin at the same time nag seselos na din. Second, dont feel sorry im okay she's okay. So dont worry" sabi ko. Totoo naman ang Selfish ko naman kung magagalit ako kasi tumulong siya.

"Pero bakit ang cold mo?" Tanong niya.

"Nilalamon pa ako ng Selos, pero okay na ako" sagot ko. sinandal niya naman yung ulo niya sa balikat ko. at niyakap ako. Ang sweet talaga ng boyfriend ko.

"Tara na balik na tayo" Pag aaya ko kasi kami lang tao dito. well maganda kasi naka tapat sa dagat at kita ang sun set.

"Mamaya na" Tipid niyang sagot at niyakap pa ako ng mas mahigpit.

"Bakit? baka hinahanap na tayo?" Tanong ko.

"Gusto muna kita masolo. madami umaagaw sayo doon e." sagot niya na nakapag pakunot ng noo ko.

"Umaagaw? No hindi sayo lang naman ako e. Solong solo mo pa" sagot ko. Bumitaw siya sa yakap at hinalikan ako sa noo.

"I Love you" Sabi niya ngumiti naman ako.

"I love you too" sagot ko. Humiga naman siya sa Lap ko. hinimas ko naman ang buhok niya.

"Ang cute mo mag selos, sarap ulit ulitin" Biro niya. Hinampas ko naman siya sa tiyan

"Baliw ka! papatayin mo na ba ako?" tanong ko. kaiinis to.

"Biro lang naman pero ang cute talaga" lalo ko naman hinampas nang malakas ang tyan niya.

"Arayy!" Sigaw niya habang naka hawak sa Tiyan niya.

"Aray mo mukha mo!" Sabi ko, Pero kinabahan na ako nang umupo siya at humawak sa tiyan. Hala lagot!

"Hey, babe saan ang masakit? Uyy!" Pero wala siyang imik kaya lalo ako kinabahan.

"Babe naman e. Saan ang masakit?" Alalang alala na ako.

"Dito" sabay turo niya sa labi niya ano to good time. Tumayo naman ako at nag lakad.

"Uyy sorry na nag bibiro lang" Pero lakad padin ako.

"Hindi magandang biro!" singhal ko. Humarang naman siya sa daan ko at niyakap ako.

"Sorry na, nag lalambing lang naman e." pero di ako sumagot.

Nagulat nalang ako ng mag smack kiss siya sa akin.

"Ayan magaling na." Sabi niya at bumitaw sa yakap at tumakbo.

"Abenoja, Luis nakakarami kana!" Sigaw ko at hinabol siya.

Sa pag hahabulan namin naka balik na kami sa tapat ng rest house. Napansin ko na naka tingin sila sa amin.

"Isip Bata!" inis na sabi ni Hannah, problema niya?

"Cute na isip bata, kesa naman sayo likas na ang pagiging mukhang matanda" Pang aasar ni Thea. Sumama naman ang tingin ni Hannah sa kanya.

"Joke!" Pahabol ni Thea, Baliw to lakas mang asar. Napansin ko naman na hindi nila kasama si Sam. Asan na yun?

"Bomfire na tayo, na ready na namin yung kakaiinin." sabi ni Fran.

"Sige ba" sabi ni Jan.

"dun tayo banda sa tabing dagat." Sabi ni Ethan, sumunod naman kami. Dala nila Tyler yung mga pagkain at blanket. Ng ma e ready na e. Pumpwesto na kami ng pabilog. Katabi ko si Luis at Thea. Sa tabi ni Thea si Dino sa tabi ni Luis si Adrian na halata ang pag ka beastmode.

Game Of Love [On-Going]Where stories live. Discover now