GOL 15

12 0 0
                                    

Sofie's POV

Nagising ako ng parang may sumuntok sa ulo ko at napapasuka ako. Agad akong tumakbo papuntang CR.

*Acccchhkkk*
*Accccccchhhhkkkk*

God, ang baho! ang sakit ng ulo ko. ano bang ginawa ko kagabi? Ang sakit. wala akong maalala ang alam ko lang ay yung nag ki- No Erase, wala lang yun Sofia, dika naapektuhan kaya wala lang yun.

"Sofie okay ka lang" Diko napansin na nasa likod ko na pala si Thea.

"Yeah, Masakit lang yung ulo ko." Tumayo ako at nag mumog sa sink. at bumalik sa kama at sinandal ang ulo sa head board.

"Hangover?" Tanong niya. diko naman maaintindihan

"Huh? Ano? Ang sakit ng ulo ko" Reklamo ko at napasapo sa ulo.

"Hangover nga tawag diyan. Iligo mo lang yan mawawala din yan" Tinatamad akong maligo. E para kayang umiikot yung ginagalawan ko.

"Well nag yaya sila Adrian kagabi Next week daw sa Palawan daw tayo sa Rest house nila. Mag celebrate daw. Saan saan ka kasi pumunta kagabi. Sabi ko nadin na go tayo 3 days lang naman. Wala naman tayong pasok dahil may siminar ang profs natin kaya go na" Paliwanag niya. Tumago lang ako. Di naman ako makaka tanggi dun e. lagi naman. ngayon nga lang sa rest house nila. dati kasi battangas lang.

"Grabe ka kagabi, anong naiisipan mo at uminom ka ng marami" Anong pinag sasabi nanaman ni Thea? lalong sumasakit yung ulo ko.

"May masama ba? wala naman siguro akong nakaka hiyang ginawa diba?" Pag tataray ko.

"Oo wala KUMANTA ka lang naman sa Bar kagabi habang umiiyak." Sabi niya sus!

"Kuman- Ano kumanta ako? at umiyak? Niloloko mo ba ako?" Ngumiti naman siya.

"Lagoot! Nakakahiya. bakit ko ginawa yun" Pilit kong inisip lahat. Pero akala ko panaginip lang dahil dun sa Kiss na nakita ko. Sh*t totoo pala.

"Lasing ka nga, Pero ano ba problema mo?" Bigla naman nag seryoso yung mukha niya. Di naman ako maka sagot. kasi diko alam kung ano ang sasabihin ko o kung dapat ko ba sabihin.

"Wa- Wala. wala lang yun" At nag talokbong ng kumot. Pero dinaganan niya ako. At di yan titigil hanggang diko sinasagot.

"Ano dali, Kilala kita sabihin mo. bago pa kita pasabunutan." See? Brutal?

Umupo na ako ng maayos, Paano ko ba sasabihin? Saan ba ako mag sisimula?

"Nag aalala pa naman boyfriend mo kagabi." Dagdag niya, napa tingen naman ako sa kanya at umirap. Ang galing niya talaga mag pretend no?

"Si Luis? Tch!" Naiinis ako! Nag seselos ako! SELOS? NO HINDI
.
KONTI LANG! WAHHHHH!

"At bakit may iba ka pa bang boyfriend? Siya lang naman diba?" Sarkastikong tanong niya tinitigan ako.

"Hindi" Mariin kung sabi nan laki naman mata niya.

"Ano hindi lang siya ang boyfriend mo? Don't tell me that you are a play girl? No So-"

"Stop!" Pigil ko. pinag sasabi nito? ako na nga umiiyak at nasasaktan ako pa play girl? What the F!

"What i mean is. Hindi este wala at oo na siya lang ang boyfriend ko at wala akong iba. At mas lalong hindi ako play girl" Naiinis kung sabi at tumalikod sa kanya.

"Ako pa nga tung nasasaktan" Bulong ko. Binatukan naman niya ako bigla.

"Alam mo kanina ka pa! ano ba? Babatok ng walang dahilan?" Singhal ko. Ngayon pang bad trip ako.

Game Of Love [On-Going]Where stories live. Discover now