GOL 23

25 1 0
                                    

Sofie's POV

Pag balik namin ng rest house kumain na kami ng tanghalian at nag kanya kanyang ayos na dahil babalik na kami ng Maynila.

"Girl, Bakit parang di yata kayo nag uusap?" Bakit nga ba? Triny ko naman diba? kaso wala!

"Diko din alam e" Sabi ko, niyakap niya naman ako.

"Diba dito naging kayo? Yung totoo?" Tumango naman ako. Special ang lugar na ito sa akin.

"Edi dito nadin kayo mag break yung totoo din, puro kayo away e." Sarkastiko niyang sabi. Kumawala naman ako sa yakap niya at tiningnan siya ng masama.

"Nababaliw kana ba?" pasigaw kung tanong.

"No im not!" seryoso niyang sagot at tinalikuran ako.

"Epekto ba yan sayo ni Adrian? dahil kung OO itigil mo na" At isinara ang bag. kaasar naman kasi

"Okay,! Well kasi lagi kayo nag tatampuhan. E ilang araw palang kayo. Paano nalang bukas sapakan na?" At umupo siya sa kama at inaantay ang sagot ko.

"Okay Fine, mag uusap nalang kami. I dont want to let him go from me. Diko na yata kakayanin." At nag lakad na palabas.

Nasa baba nadin kasi sila e. May limang Vios na pinadala para i drive namin papuntang Airport.

Pag baba namin asa labas na sila ng rest house. Pero wala pa si Luis.

"Thea sa akin ka sasabay" Ma owtoridad na sabi ni Adrian kay Thea.

"Huh? Ba-bakit?" Nauutal na tanong ni Thea. If i know kinikilig na yan.

"Diba ganun naman talaga pag nanliligaw?" Seryosong tanong ni Adrian.

"Okay" Tila robot niyang sagot. Hayy namumula na siya masyadong halata.

"Adrian si Luis?" Tanong ko

"Nasa taas pa, di nyu ba nakita?" Diko masabi yung nararamdaman ko pero parang may mali.

"Thea paki hawak" Bigay ko ng bag ko sa kanya. aakyat muna ako. Then mag uusap kami if ano ba yung problema.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Thea.

"Aakyat lang ako" at tumakbo na pa akyat. Pero parang sana nag stay nalang ako sa baba.

I saw Sam kiss Luis. Saktong pag akyat ko ang pag hila ni Sam ng batok ni Luis at hinalikan sa labi.

Ang sakit! Parang huminto bigla ang mundo ko. Naitulak siya ni Luis pero hindi pa nila ako nakikita.

"Luis please, Masaya ka naman sa akin diba?" At kita ko na lumuluha na siya.

"Sam please, layuan mo na ako"

"Dahil ba sa kanya? Dahil ba kay Sofie. Di ka naman niya mahal diba? Mas mapapasaya kita diba? Wala siyang kwenta!" Sigaw niya. Nag init lalo yung ulo ko kaya wala sa sarili ko siyang sinugod at sinampal.

"Ano Sam? anong gusto mo?" Sigaw ko. Hinawakan naman ako ni Luis. Pero tinangal ko yung kamay niya.

"Babe, Tara na" At isa pa siya pag tapos ng nakita ko ang lakas ng loob niya tawagin ako ng Babe. Samantalang di niya ako pansinin kanina.

"Ano Sam ano ba talagang gusto mo? Sabihin mo para alam ko!" Inangat niya naman ang ulo niya at tumingin diretso sa Mata ko.

"Anong gusto ko? Bakit ibibigay mo ba?" Seryoso niyang tanong.

"Sabihin mo Ano?" Parang yung luha ko ang bigat ng pag bagsak.

"Boyfriend mo Sofie! Siya ang gusto ko. Mas mapapasaya ko siya. Tingnan mo matagal na kayo pero nahahalikan ko pa din siya-"

Game Of Love [On-Going]Where stories live. Discover now