Chapter 16
LEXI's POV.
"Nakabalik na pala si Warren, pumasok na rin sya kahapon," sabi ko kay Yvan.
Napatingin sya sa akin. "Galing ka sa shop kahapon?"
Hindi naman ako sumagot.
"Akala ko ba gusto mo lang mag-stay dito sa bahay?"
"Yun nga sana, kaya lang naisipan kong lumabas nalang din. Tinapos ko na rin yung ibang trabaho mo sa mga kliyente sa shop."
"Salamat."
"S-Saan ka pala galing kahapon? Hinintay ka namin sa shop buong gabi pero hindi ka naman dumating."
"May nilakad lang akong importante."
"Hinanap ka kasi ni Warren, nasabi sa amin ni Nestor na kasama mo si Fred pero pati si Fred hindi na bumalik sa shop."
"Gabi na kasi natapos yung lakad namin kaya pinadiretso ko na sya sa bahay nila at hindi na pinabalik pa sa shop. K-Kamusta pala si Warren at Pearl?"
"Ayun.. mukhang okey naman na. Kasabay ni Warren si Pearl pabalik dito sa Manila pati na rin yung dalawang bata."
"Mabuti kung ganun. Sabihin mo na magtino na sya."
"E kaya nga hinahanap ka kahapon ni Warren dahil gusto ka nyang makausap."
"Tungkol daw ba saan?"
"Ayaw naman nyang sabihin sa akin kagabi. Gusto nya na sayo daw nya mismo sabihin."
"Pakitawagan nalang sya. Sabihin mo na baka gabi pa ako pupunta ng shop."
Napakunot ang noo ko. "Saan ka na naman pupunta?"
"Magkikita kami ni Mister Gomez."
"I see."
Lumakad si Yvan papunta sa sala at agad naman akong sumunod sa kanya.
"Umm.. Yvan.."
"What?"
"P-Pwede ba akong mag-apply ng trabaho sa ibang kumpanya?"
Napatingin sya sa akin. "Ano na naman bang problema mo, Lexi?" Inis nyang tanong.
"W-Wala."
"E bakit mag-aapply ka ng trabaho?!"
Umiwas ako ng tingin. "P-Pakiramdam ko kasi ang baba ko na. Lahat nga ng bagay nakukuha ko pero galing naman yun sayo, ni-hindi ko pinaghirapan. Parang sayang din kasi yung natapos ko kung ganito lang ako."
"Tsk. Hindi pwede."
"Yvan naman.."
"Lexi naman! May sakit ka! Sa tingin mo ba ganun kadali para sayo ang matanggap sa ibang kumpanya?! Doon ko magtatrabaho sa negosyo ko sa ayaw at sa gusto mo!"
Hindi naman na ako nakasagot.
Huminga sya ng malalim at agad na lumabas ng pinto. Padabog nya pa itong sinara.
XXX
DRED's POV.
"We assume that it costs for more than 60 million to build this gasoline station in Bulacan.."
"Galit ako sayo! Galit na galit ako sayo!"
"Together with Sir Geronillo, we found the location of this site near to the Malolos Exit of North Luzon Expressway.."