45. #LetHerGo

3.9K 130 11
                                    

Chapter 45

MARY KIEN's POV.

"Kung sakaling hindi ibalik ni Mister Landiza si Janus, baka sakaling sumama na rin ako sa Mindoro pagbalik ko galing Russia," sabi ni Dred kay Attorney Lopez.

"Anong gagawin mo sa Russia?" Tanong ni Attorney.

Napatingin sa akin si Dred at nanatili naman akong tahimik."Umm.. mag-eenroll ako sa isang graduate school."

Ngumiti si Attorney Lopez. "Don't tell me na plano mong magturo."

"To our alma matter. Teaching is my passion."

"Nice move. Then when you are going to leave?"

"Tomorrow morning."

"Anyways, kung makabalik ka na dito sa Pilipinas, you can call me anytime para sabay-sabay tayong babyahe papuntang Mindoro."

"Salamat, attorney."

"Miss Zamora, may nasabi ba sayo si Mister Landiza bago ka umalis pabalik dito sa Manila?"

Natigilan ako sa tanong ni Attorney Lopez.

"Sumama ka sa akin, Kien. Magpakasal tayo, bumuo tayo ng masayang pamilya. Kasama si Janus, kasama ang anak natin."

"Miss Zamora."

"Kien, wala akong ibabalik kasi kahit kailan, hindi nawala ang pagmamahal ko sayo."

"Kien." Hanggang sa naramdaman ko ang kamay ni Dred sa aking braso.

Napatingin ako sa kanya.

"Okey ka lang ba?"

"O-Oo. Okey lang ako. Pasensya na."

"May tinatanong sayo si Attorney."

Tumingin ako kay attorney.

"Kung may napag-usapan ba kayo ni Mister Landiza sa pananatili mo sa Mindoro."

"Umm.. may pinapirmahan syang dokumento sa akin."

Tumingin sa akin si Dred. "Dokumento?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Dokumento na nagpapatunay na sumang-ayon akong palitan ng apelyido nya ang apelyido ni Janus."

Napabuntong hininga naman si Dred.

XXX

LEXI's POV.

"Kaunting hintay nalang, malapit nang matapos itong niluluto ko," sabi ni mama.

Yumakap ako kay mama habang sya ay nagluluto. "Ma, thank you talaga sa pagbisita nyo sa akin dito ha."

Humarap sa akin si mama at ngumiti. "Asus, para ka pa ring bata hanggang ngayon. Mamas girl ka pa rin."

Natawa naman ako sa sinabi ni mama at muli syang niyakap.

Nagulat nalang kasi akong nang tumawag ang mga magulang ko at nagpapasundo sa airport. Hindi ko inaasahan ang pagdating nila dito sa Australia.

"Kamusta naman ang kapatid mo dito? Hindi naman ba pasaway?"

Napatingin ako kay Clark na kasalukuyang kasama ni papa sa sala. "Ayun, kung kani-kanino nakikipag-date. Linggo-linggo ata iba-ibang babae ang kasama."

"Hayaan mo na muna ang kapatid mo. Ang mahalaga, may nakakasama ka dito. Mas mainam na yun kaysa nag-iisa ka dito."

Matapos magluto ni mama ay nagpuntahan naman na kami sa dining table.

Look at this Richest Man (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon