Chapter 38
YVAN's POV.
"Binigla mo naman ako, Yvan. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nabigyan mo na kami ng apo ng mama mo," sabi sa akin ni papa.
"Kahit naman po ako nabigla rin eh. More than five years mula nang huli kong makita si Kien, tapos sa muli naming pagkikita, malalaman ko na nagbunga pala ang pagmamahalan namin dati."
"Nasabi mo sa akin na mabuting magkaibigan kayo ngayon ni Mary Kien." Bahagyang tumawa si papa. "Kung ganoon, posible pa ring maibalik ang dati sa inyong dalawa."
"Hindi ko na po siguro gugustuhin pa."
Napatingin sa akin si papa dahil sa sinabi ko. "Bakit? May iba ka na bang gusto?"
Huminga ako ng malalim. "Masaya na akong kasama ko na ngayon ang anak ko."
"Alam mo bang si Janus ang makikinabang kung mabubuo kayo bilang isang pamilya?"
"Magiging maganda pa rin naman ang buhay ni Janus kahit hindi kami mabuo bilang isang pamilya."
"So you prefer to have a broken family?"
"Uso naman yun ngayon di ba?"
Binatukan ako ni papa dahil sa sinabi ko. "Dahil lang ba sa uso kaya makikisabay ka na?"
"Tsk. Pa naman.. hindi mo kasi naiintindihan eh. Malabong magkabalikan na kami ni Kien. Hindi na nya ako gusto, at lalong hindi ko na rin sya gusto. Wala na kaming nararamdaman para sa isa't isa. Tanging si Janus nalang ang nag-uugnay sa aming dalawa ngayon."
"Akala mo ba madali iyon tanggapin para sa isang bata? Iyong tanging sya nalang ang dahilan kung bakit nagkakausap ang kanyang mga magulang?"
"Maghahanap naman ako ng magiging nanay ni Janus for life eh."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Syempre maghahanap ako ng babaeng maaari kong makasama habambuhay. At kapag nahanap ko na iyon, sya na rin ang tatayong ina ni Janus."
"Hindi madali ang iniisip mo, anak."
"Pa, lalong hindi madali ang gusto nyang mangyari. Between Mary Kien and I is already over. Tapos na eh, at malabong maibabalik pa. Kung may pagkakataon man, hindi ko na rin gugustuhin pa. Matapos lahat ng-" Hindi ko naituloy ang aking sasabihin.
"Matapos lahat ng?" Pagtutuloy ni papa.
Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin. "Matapos lahat ng panggagago nya sa akin."
"Akala ko ba mabuting magkaibigan kayo ngayon ni Mary Kien?"
"Basta pa, masyadong magulo. Ang mahalaga ngayon, kasama natin si Janus."
"Papa Yvan! Hahahaha!"
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mama ko na nakikipaglaro kay Janus. Kahit paano ay nakuha na rin ni mama ang loob ng anak ko.
Hindi ko inaasahan na ganitong magiging kasaya si Janus sa piling ko. Ang buong akala ko'y hindi sya sasaya dahil iba pa rin ang kinalakihan nyang ama. But here he is. He is happy with his grandparents and with me.
Alam kong darating ang araw na muli syang magtatanong tungkol sa mommy at daddy nya, pero bahala na. Ngayong magkasama na kami, gagawin ko ang lahat para punuan ang limang taon na pagkukulang sa kanya.
"Papa Yvan!" Sumampa sa likuran ko si Janus habang nakikipaghabulan kay mama.
XXX
MARY KIEN's POV.
![](https://img.wattpad.com/cover/79467378-288-k604672.jpg)