42. #LOST

3.8K 152 19
                                    

Chapter 42

MARY KIEN's POV.

Nagising ako kinaumagahan dahil sa tawag mula kay Dred.

"Dred.."

[Anong balita dyan? It's been four days that you're not here.]

Napabuntong hininga ako. "Dred, sorry.. pero kasi-"

[Nakuha mo na ba si Janus?]

Huminga ako ng malalim. "Hindi ko pa sya nakukuha."

[Kung gusto mo, pupunta ako dyan.] Sambit ni Dred habang kausap ko sya sa phone.

Pinahid ko ang mga luha ko. "H-Hindi na kailangan. Ako na ang bahala dito."

[Pero patuloy lang na magmamatigas si Yvan.]

"Dred.."

[Why?]

"T-Tama na.. s-siguro kaya nangyayari sa atin ito, dahil na rin sa pangta-traydor natin sa kanya."

[Anong ibig mong sabihin?]

Hindi naman maawat ang pagpatak ng aking mga luha. "T-Tama si Richie.. w-wala akong karapatan para ilayo si Janus kay Yvan."

[Pero Kien-]

"Dred, si Yvan ang totoong ama ni Janus!"

Dinig ko ang pagbuntong hininga ni Dred mula sa kabilang linya.

"Dred, mahal kita. Alam mo naman yun di ba? P-Pero si Janus.. hindi natin maaaring ilayo si Janus kay Yvan."

[Anong gusto mong mangyari?]

"Mahal na mahal ni Yvan ang anak nya. Kahit saang lupalop tayo magtago, alam kong susundan at susundan nya tayo para sa anak nya."

[Sabihin mo sa akin ang plano mo.]

"Uuwi na ako dyan sa Manila."

[P-Paano si Janus?]

"Dred, ibabalik ni Yvan sa atin si Janus."

[Paano kung hindi?]

"Kilala ko si Yvan. Alam kong hindi nya magagawang tuluyang ilayo sa akin si Janus."

Muling nagbuntong hininga si Dred. [Ikaw ang bahala.]

Hanggang sa wala na akong narinig mula kay Dred at tuluyan na nyang tinapos ang tawag.

Napayuko ako at napahagulgol sa pag-iyak.

XXX

ABBY's POV.

"Kung gusto mo, sumama ka nalang sa akin sa Manila. Gusto mo bang mag-aral doon?" Tanong sa akin ni Richie.

"Anong gagawin ko sa Manila?"

"Edi mag-aaral nga ng college. You know what, may scholarship program ang kumpanya namin. If you want, kakausapin ko si daddy regarding your scholarship application."

"Hindi na. Nag-aaral na ako dito sa Mindoro."

"Para nga magkasama na tayo doon eh."

Napakunot ang noo ko. "Bakit naman ako sasama sayo?"

"Ha? I... I mean, syempre magkaibigan naman tayo. Pwede rin kitang ipakilala sa iba ko pang kaibigan."

"Hindi pwede eh."

Look at this Richest Man (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon