Chapter 25
DRED's POV.
"Sir, nakahanda na po ang hapunan," sabi ng isang katulong nang makauwi ako sa bahay.
"Susunod na ako," sagot ko sa kanya.
Lumakad ako papunta sa kwarto at naabutan ko doon si Kien.
"D-Dumating ka na pala."
Agad kong kinuha ang pakete ng aking sigarilyo at lumabas ako sa terasa para doon magsindi.
Sinundan naman ako ni Kien. "N-Nakausap mo ba sya?" Tanong nya.
Tumingin ako sa kanya ng seryoso. "Nakaalis na sya."
Napabuntong hininga si Kien. "S-Sige, maiwan na muna kita." Muli ding pumasok si Kien sa loob ng kwarto.
Tila bawat buga ng usok mula sa aking sigarilyo ay lalong nagpapabigat ng aking nararamdaman.
.
.
.
"Hindi mo man lang ba ako ico-congrats?""Congrats mo mukha mo! Kung hindi ka sana tumakbo, ako sana ang nanalo! Nanalo ka lang naman dahil ginamit mo yang charm mo e, pero mas matalino ako sayo!"
"A-Alam ko naman yun.. sorry na."
"Alam mo ba sinira mo ang magagandang plano ko para sa ating eskwelahan? Dahil lang dyan sa mga kalokohan mo!"
"H-Hindi naman ito kalokohan. Para rin naman ito sa ating dalawa, natatakot lang ako na mawalan ka ng time sa akin kapag naging president of student of council ka na."
"Bakit kita bibigyan ng time? Boyfriend ba kita?"
"Umm.. soon to be."
"Tigilan mo ako, Diosdado!"
"Aish, ito naman. Sorry na nga e."
Hinampas nya ako ng bag at agad syang lumakad paalis.
Matindi ang galit nya sa akin dahil natalo ko sya bilang student president. Pero plano ko lahat ng iyon, dahil totoo ang sinasabi ko. Ayaw kong maging presidente sya ng student council dahil gusto kong nasa akin lang ang atensyon nya.
"Tanga ka talaga! Bakit ka magreresign?!" Galit na galit na tanong sa akin ni Alexa.
"Eh basta, ayaw ko na!"
"Bakit nga?!"
"E di ba ikaw na nga ang nagsabi, wala na akong time sayo?"
Napailing nalang sya sa inis. "Wag kang magresign. Simula ngayon...girlfriend mo na ako."
Natigilan ako sa aking narinig.
Hindi ako makapaniwala na matapos ang napakahabang panunuyo, mapapasagot ko sya. Hindi ko akalaing magiging akin sya.
"Ikaw? Sasagutin ni Alexa? E makita ka pa nga lang ni Alexa, umuusok na ang ilong nya sa galit?" Sabi ng mga barkada ko nang ibalita ko sa kanilang sinagot na ako ni Alexa.
Sakto namang parating si Alexa. "Babe! Bwahahaha!" Agad ko syang nilapitan at hinila papunta sa harap ng mga kaibigan ko.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!"
"Ikaw nga ang magsabi sa kanila na girlfriend na kita, ayaw nilang maniwala e."
Tumingin sya sa akin ng masama. "Tumigil ka na Dado ha!"
![](https://img.wattpad.com/cover/79467378-288-k604672.jpg)