2. #ThePast

6.1K 165 54
                                    

Chapter 2

DRED's POV.

"Congratulations, so kailan ang kasal?" Tanong ng mommy ni Kien habang hawak si Janus.

"Next year pa po ang plano Tita," sagot ko.

Kumunot ang noo nya na parang nagtataka. "You have already proposed to my daughter, bakit next year pa?" Tanong nya.

Sakto namang dumating na si Kien galing kusina. "We're having a big project this year ma, kaya sa susunod na taon pa namin planong ganapin ang kasal."

Bahagyang natawa ang mommy ni Kien. "Sabagay, maganda nang naniguro ka Dred, kaysa naman maagaw pa ng iba."

"Ma naman, pwede ba. As if na maaagaw pa ako ng iba. At saka may anak na kami ni Dred," inis na sabi ni Kien.

Natawa nalang kami sa kanya.

"Im just kidding.. Saan nyo naman planong ganapin ang kasal?"

"Hindi pa po kami nakakapag-decide," sagot ko.

"Bakit hindi nalang sa resort ng Mamita mo sa Batangas?"

"Bahala na mommy, medyo malayo pa naman."

Hanggang sa may tumawag sa mommy ni Kien kaya agad na itong umalis. "Maiwan ko na muna kayo. Janus, punta ka na muna kay daddy."

Agad namang tumakbo sa akin si Janus at kinarga ko ito. Tumingin ako kay Kien. "Akala ko ba may lakad ka ngayon?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa labas ng bahay.

"Oo nga, hindi ka ba sasama?"

"Kailangan ko pa bang sumama? It's your interview, not mine."

"B-Baka maisipan lang ng mga estudyante na isama ka na sa interview."

"Hindi na, magkikita kami ngayon ni Mister Santos for the magazine advertisement."

Napatingin sya sa akin. "D-Di ba napag-usapan na natin yan?"

"Kien, listen carefully. Ang magazine ni Mister Santos ang pinaka patok ngayon sa karamihan."

"But it doesn't reach some places nationwide. Puro sa mga cities lang nakakarating ang mga magazine nya. Alam mo namang puro nasa liblib na lugar lahat ng project ko. It will not help our incoming projects tho."

Napabuntong hininga ako. "Bahala na.. Titingnan ko kung magagawan pa ng paraan. Sige na, baka ma-late ka pa sa interview mo."

"Isasama ko nalang si Janus."

Agad ko namang ibinaba si Janus para ibigay sa kanya.

"Anak, sama ka nalang kay mommy ha."

"Opo."

Tumingin sa akin si Kien. "Aalis na ako." Tapos humalik sya sa akin pati na rin ang anak namin bago sila lumakad paalis.

Sa ilang taon na lumipas na nagsasama kami ni Kien, maraming bagay kami ang hindi napagkakasunduan. Karamihan sa mga ito ay tungkol sa negosyo. Gayunpaman, mas madalas kong sinusunod ang gusto nya, dahil pinagkakatiwalaan ko naman sya, dahil alam kong magaling sya. Marami syang nakikita na diskarte sa negosyo na hindi ko nakikita, bilang noon pa man, nasanay na sya sa ganitong environment.

"Sayang naman yung malaking discount na offer ko sayo," sabi sa akin ni Mister Santos nang magkita kami sa aking opisina.

"Pasensya na, may ibang plano kasi ang asawa ko."

Look at this Richest Man (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon