Chapter 7
MARY KIEN's POV.
"Mommy, friend ba po ni daddy si Mister Yvan?" Tanong sa akin ni Janus nang lumapit ako sa kanya.
"H-Hindi anak.. umm.. sa susunod anak, iwasan mong makipag-usap sa katulad nya ha.. k-kasi hindi naman natin sya kilala."
"Sorry po, mommy," malungkot nyang sabi.
Hinawakan ko ang kamay nya at lumakad kami papasok sa loob. Sumulyap pa ako saglit sa labas at nakita ko nang naglalakad palayo si Yvan.
"Pakipasok nalang po yung kotse ko sa garahe," sabi ko sa driver namin nang makasalubong ko sya. Inabot ko sa kanya ang susi.
"Sige, maam." Lumakad naman na sya para puntahan ang kotse ko sa labas ng gate.
Huminga ako ng malalim at pumasok na kami ni Janus sa loob ng bahay.
XXX
DRED's POV.
"Pauwi na ako anak.. hintayin mo si daddy ha," sambit ko habang kausap si Janus sa phone.
[Daddy, bumili ka po nung bago kong toy?]
"Hindi ako nakabili, baby eh. Hayaan mo, bukas pupunta tayo ng mall para bilhin yung gusto mong toy."
[Talaga daddy?!]
"Oo, bibili tayo bukas. O sige na, ibigay mo na sa mommy mo ang phone, kakausapin ko sya."
Sunod kong narinig ang boses ni Kien. [Nauna na kaming nag-dinner ni Janus, hindi naman pwedeng alas-nwebe pa sya kakain para lang makasabay ka.] Sa pananalita nya ay ramdam ko ang kaunting tampo.
Napabuntong hininga nalang ako. "Hon, alam mo naman kung gaano karaming ginagawa sa opisina di ba?"
[I know, we both know it. But your son doesn't aware about it. Magulat ka nalang kung pati itsura mo hindi na nya matandaan sa sobrang pagiging busy mo.]
"Kien.. ako na ang bahala. Sige na, papasok na ako ng village." Agad kong tinapos ang tawag ng saktong makarating ako sa gate ng village. "Guard, bukas ng umaga may magdedeliver dito ng dalawang office table. Baka kasi umalis ako ng maaga, pakituro nalang kung saan ang amin."
"Sige po, sir. Walang problema."
Paaandarin ko na sana ang kotse nang mapahinto ako sa taong aking nakita na naglalakad palabas ng gate ng village.
Lumapit pa muna ito sa guard house. "Ako yung may dala ng puting kotse kanina," sambit nya.
"Ito po sir," sagot naman nung guard na agad binalik ang ID nya.
Bahagya kong sinara ang bintana ng kotse para hindi nya ako makita. Nakita ko naman na sya mula sa side mirror na naglalakad paalis.
Hindi ko naiwasang mabahala nang muli kong makita si Yvan.
Nang makauwi ako sa bahay, sinalubong ako ni Kien.
"Tulog na ba si Janus?" Tanong ko.
"Hindi pa, nanonood ng TV sa kwarto. Hinihintay ka nya."
Tiningnan ko sya ng seryoso. "Nakita ko yung kotse mo sa garahe.. nakuha mo na pala."
Umiwas sya ng tingin. "M-May nagdala dito sa bahay."
"Sino?"
Huminga sya ng malalim. "Yung lalaking empleyado doon sa talyer." Hindi na nya ako nilingon at agad nang lumakad paakyat sa aming kwarto.
![](https://img.wattpad.com/cover/79467378-288-k604672.jpg)