Chapter 48
YVAN's POV.
"Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong ko kay Marco nang lumabas kaming dalawa at nag-inom sa isang bar.
Napakamot sya sa ulo. "Halos kararating lang natin tapos uuwi na kaagad tayo. Wala pa nga tayong nakikilalang babae eh."
"Magkakaanak ka na lahat-lahat, ganyan pa rin ang ugali mo."
"Asus. Nagsalita ang matino. Wag ka ngang magmalinis, Yvan."
"Sinabi mo sa akin na kaya tayo pumunta dito dahil gusto mong uminom at makalimot sa problema mo sa mga babae mo. Tapos ngayon, maghahanap ka ng babae."
"Aish. O sige na, uuwi na tayo. Magbabanyo lang ako saglit." Lumakad naman na si Marco papunta sa banyo.
Inubos ko ang laman ng bote ng beer na hawak ko at nagsindi pa ng isang stick ng sigarilyo habang hinihintay si Marco.
Hanggang sa bumalik na si Marco. "Yvan, nakita ko si Penelope."
Kumunot ang noo ko. "Sinong Penelope?"
"Yung chik na nakilala natin dati. Yung sinasabi mong naging girlfriend mo nung college."
"Tsk. Umuwi na tayo." Tumayo na ako at lumakad palabas ng bar.
Nakasunod naman sa akin si Marco. "Yvan, naman. Sayang naman tong pagkakataon na ito. May kasama pa naman sya, at type ko yung kasama nya."
Hanggang sa labas ng bar ay patuloy akong kinulit ni Marco.
"Ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan dati ah."
Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "Kung gusto mo silang puntahan, puntahan mo na sila. Basta, uuwi na ako."
"Sandali lang." Muli nya akong hinawakan sa braso. "Tol, baka nakakalimutan mo... single ka. Kung dati nga na taken ka, nagagawa mo ito eh. Edi dapat lalo pa ngayong single ka."
"Dude, hindi na tayo mga bata. May anak na nga ako eh, at magkakaanak ka na."
Tinawanan naman ako ni Marco. "Tol naman, it's just boys thing. Tatanungin kita, nakita mo na ba ulit si Penelope?"
Nagbuntong hininga lang ako.
"Sasabihin ko sayo, mas lalo syang gumanda ngayon. Isipin mo nang mabuti, nakita natin sya dito sa bar nang hindi natin inaasahan. Malay mo iba na ang ibig sabihin nito."
"Tsk. Ano bang sinasabi mo?"
"Baka si Penelope talaga ang destiny mo."
Napailing nalang ako at muli syang tinalikuran. "Bahala ka sa buhay mo."
"Puta! Halika na!" Sigaw ni Marco. Inakbayan nya ako at hinatak pabalik sa loob ng bar.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!"
XXX
MARY KIEN's POV.
"Ano, Kien? Kailan ka pa naging stalker ng ama ng anak mo?" Inis na tanong ni Olga.
Hindi ko naman sinagot ang tanong nya. Nakatingin lang ako kay Yvan at naghihintay ng bwelo para makausap sya. Kasalukuyan nyang kausap si Marco pero hindi namin marinig ang pinag-uusapan nila dahil malayo kami sa kanila.
"Maam, eto na po yung order nyo." Sabi ng waiter nang ihatid nya ang order namin ni Olga.
"Thank you. Cute ka ha. Ilan taon ka na?" Tanong ni Olga.