Chapter 17
DRED's POV.
"Daddy, nasaan na si mommy?" Tanong ni Janus nang maalimpungatan sya sa pagtulog.
Hinaplos ko ang buhok nya. "Pauwi na si mommy. Matulog ka na, mamaya nandito na sya."
Muli naman nyang pinikit ang kanyang mga mata. Nang mahimbing na ang tulog ni Janus, tumayo ako at nagsindi ng sigarilyo sa terasa.
Ilang saglit pa ay may huminto nang kotse sa harap ng bahay. Bumaba niyon si Kien at agad ring umalis ang kotse.
Hanggang sa nakita ako ni Kien mula dito sa terrace. Umiwas sya ng tingin at nagbuntong hininga. Lumakad sya papasok ng bahay.
Nang makarating si Kien sa kwarto ay agad nya akong pinuntahan sa terasa. "Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong nya.
"Kanina ka pa hinihintay ni Janus."
Lumakad pa sya palapit sa akin at agad akong niyakap.
Tinapon ko naman ang hawak kong sigarilyo. "What happened?" Tanong ko.
Tumingin sya sa akin at ngumiti. "Nothing. I've just missed you."
Hinalikan ko sya sa labi at muling niyakap ng mahigpit.
Dumungaw kaming dalawa sa baba habang nakakapit ako sa kanyang baywang.
"Hon.." sambit nya.
"Hmm?"
"Y-Yung kasal natin.."
Napatingin ako sa kanya. "What?"
"B-Baka pwedeng.." Hanggang sa hindi nya naituloy ang kanyang sasabihin at umiwas sya ng tingin.
"Please, tell me."
"Can.. can we do it this year?"
"Pero Kien, marami pa tayong-"
"Please."
Natigilan ako nang makita ko syang seryosong nakatingin sa akin. Unti-unti naman akong tumango. "If that's really what you want."
Napangiti sya at muli akong niyakap.
Niyakap ko din sya ng mahigpit at hinalikan sa noo.
XXX
YVAN's POV.
"So ano ba ang atin?" Tanong sa akin ni Angelica.
"I just want to hangout, with someone else," sagot ko.
"At ako ang napili mong makasama tonight?"
Uminom ako ng beer at pinagmasdan ang kabuuan ng bar kung nasaan kami ngayon nag-iinom.
"Alam mo Yvan, sometimes I find you weird. May time na pinagtatabuyan mo ako, tapos may time din na bigla ka nalang magpapakita."
Tumingin ako sa kanya ng seryoso. "I've just missed you."
Nagbuntong hininga sya. "Hindi ko alam kung matatawag ko na bang tanga ang sarili ko. Isang tawag mo lang, nandyan na kaagad ako."
Ngumiti ako sa kanya. "Thank you. You're not stupid, we're just here to have some fun."
"Fun? Yun lang ba talaga para sayo lahat ng moments na magkasama tayo?"
"Ayaw ko ng away."
"Yvan, hindi ako katulad ng-" Napahinto sya nang halikan ko sya sa labi.
"I told you, I don't want a fight."