Chapter 18
YVAN's POV.
"Simula nung napunta ako dito sa Maynila, hindi pa tayo nakakapag-bonding sa labas," reklamo sa akin ni Paulo nang pumunta ako sa kanila.
"Alam mo naman na marami akong inaasikaso."
"Alam ko naman yun. Pero tol, parang sinasagad mo na yung sarili mo nyan e. Baka malagpasan mo pa si Henry Sy sa sobrang yaman."
Tumingin lang ako sa kanya at sumandal sa sofa.
"Gusto mo sigurong pantayan ang yaman ng pamilya ng exgirlfriend mo."
Natawa naman ako sa kanya. "Kahit pa buong buhay akong magtrabaho, hindi ko mapapantayan ang yaman nila. At saka alam mo naman na hindi iyon ang totoo kong plano."
Nagbuntong hininga sya. "Alam ko naman yun. Pero Yvan, nandyan ka na oh. Pero sa ginagawa mo, sagad-sagaran ka pa rin. Ni wala akong nababalitaan na chix mo. Sabi sa akin ni Stephanie, buntis daw si Angelica."
Napatingin ako sa kanya sa sobrang gulat. "What?"
Biglang syang tumawa. "Biro lang. Natakot ka noh?"
"Why do I? I didn't do anything to make her pregnant."
"Yun na nga ang sinasabi ko, nasa tamang edad ka na. Kung ako sayo, seryosohin mo na si Lexi."
"Ano bang sinasabi mo?"
"Ang ibig ko lang sabihin, maawa ka naman kay Lexi. Makikipag-sex ka sa kanya kung kailan mo gusto, pero wala naman kayong relasyon. Ni wala ka ngang nararamdaman para sa kanya. Pero paano sya? Paano kung na-inlove na sya?"
"Ewan ko sayo."
"Hindi gawain yan ng totoong lalaki. Pano kung mabuntis mo si Lexi? Kung hindi mo kayang mahalin si Lexi, mas mabuting ako nalang ang magmahal sa kanya."
"Ano bang mga sinasabi mo? Hindi ko mabubuntis si Lexi dahil wala kaming relasyon!"
"Alam ko naman yun, alam ko na ka-fubu mo lang sya."
"Fubu?"
"Oo. Fubu. Fuck buddy. Friends with benefits."
"Tarantado! Kahit kailan wala pang nangyayari sa amin ni Lexi dahil magkaibigan lang kami."
"Ha? E bakit nakatira kayo sa isang unit?"
"Pinatira ko sya sa unit ko dahil may sakit sya. Di ba nga ikaw ang kasama ko dati na nagdala sa kanya sa ospital nung bigla syang inatake ng sakit nya doon sa dati nyang bahay? Mabuti na nga lang at naisipan nating puntahan sya doon dahil kung sakali baka namatay na sya mismo nung araw na yun."
"G-Ganun ba?"
"Naisip ko na doon nalang din sa building na tinutuluyan ko patirahin si Lexi para mabantayan ko na rin sya. Kaya lang wala pang bakante sa unit doon sa floor na yun kaya dun ko muna sya pinatuloy sa unit ko."
"Tsk. Kung ganun, edi sana matagal ko na palang niligawan si Lexi. Akala ko kasi ka-fubu mo sya."
"Tumigil ka nga sa mga iniisip mo. At isa pa, kahit ligawan mo si Lexi, hindi ka sasagutin nun. Alam mo ba na marami na ang lalaking nagtangkang manligaw kay Lexi pero kahit isa walang pumasa."
"Then that's it. Naisip ko lang, hindi kaya may gusto sayo si Lexi?"
Napatingin ako sa kanya. "H-Hindi.. malabong mangyari yun."