13. #Secrets

4.2K 125 9
                                    

Chapter 13

YVAN's POV.

Napatingin ako kay Fred. "Para saan ba yang interview na yan?" Tanong ko sa kanya.

"Sir, grupo lang po ito ng mga estudyante. Para lamang po sa school publication to inspire the students who take Marketing management."

"Sa dami ng ginagawa ko, gusto mo talagang isingit yang interview na yan with the amateur interviwiers?" Napailing ako at binalik ang aking atensyon sa aking trabaho.

"Sir, naisip ko lang kasi, sayang din po ito. Publicity din po ito."

Napatingin akong muli sa kanya. "That's a student magazine, how come na magiging publicity sya?"

Napakamot sa ulo si Fred. "S-Sorry, sir." Tapos agad na syang lumakad palabas ng opisina.

"Mainit na naman ang ulo mo," sabi ni ate Stephanie habang kasama ko sya dito sa opisina.

Hindi naman ako sumagot sa kanya.

"Magkaaway ba kayo ni Lexi?" Tanong nya.

"No, we're not. Bakit naman kami mag-aaway?"

"Eh kasi ang init ng ulo mo, tapos ito namang si Lexi, habang magkasama kami kahapon sa mall, parang wala sya sa sarili nya."

Napatingin ako kay ate Stephanie nang may halong pag-aalala. "Sana tinanong mo kung anong nararamdaman nya, at baka umatake na naman ang sakit nya."

"Bakit? Akala ko ba medyo magaling na sya?"

Napabuntong hininga ako. "Iyon din ang akala ko. Pero nung nakaraan na pumunta kami sa party ni Mister Gomez, parang bigla nalang sya nanghina tapos ayun, nahirapan na syang makahinga nang pauwi na kami."

"E bakit hindi kayo magpa-consult sa doktor?"

"Plano ko nga sanang pabalikin sya sa Australia, eh kaya lang ang tigas ng ulo, ayaw daw nya."

"Wala naman kasi tayong magagawa kay Lexi. I know her very well, kung ano ang gusto nya, iyon ang gagawin nya."

"Kung kinakailangan ko syang ipagtabuyan papuntang Australia, gagawin ko. Kaysa naman manatili sya dito pero nanganganib ang buhay nya."

Natawa naman si ate. "Alam mo, grabe ka kay Lexi."

"Hindi ako nagbibiro. Ginagawa ko lang ang alam kong makabubuti sa kanya."

XXX

LEXI's POV.

"Ma, nabuking na ako. Nakita na ako ni Dado, anong gusto mong isipin nya? Na nagmulto lang ako noong nagkita kami?" Sabi ko habang kausap si mama sa phone.

[Anak naman kasi, malaking gulo yang pinasok mo eh.]

"Ma, gawin mo nalang ang inuutos ko. Huwag mo nang igiit sa kanila na patay na ako. Aminin mo na ang totoo. Kung kinakailangan kong umuwi dyan para maniwala sila, gagawin ko."

[Anong iisipin nila kapag nalaman nilang buhay ka? Iisipin nilang nababaliw na ang pamilya natin!]

Ramdam ko naman na ang galit ni mama mula sa kabilang linya.

Hindi ko naman maiwasan ang mapaluha. "Ma, Im sorry.. Im really sorry. G-Gusto ko lang namang takbuhan ang nakaraan."

Nagbuntong hininga si mama. [Ikaw naman kasi, hindi ko alam kung bakit kailangan mong takbuhan ang nakaraan mo, wala ka namang ginawang mali. O sige na, ako na ang bahalang mag-ayos dito. Iisip nalang ako ng magandang idadahilan sa mga taga rito.]

Look at this Richest Man (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon