39. #Surname

3.5K 136 24
                                    

Chapter 39

YVAN's POV.

"Matulog ka na, wala nang pulis. Hindi na sila babalik," sabi ko kay Janus.

"Si mommy?"

Umiwas ako ng tingin. "Bukas, pupuntahan natin ang mommy mo." Hinaplos ko ang mukha nya. "Sige na, matulog ka na."

Agad naman nyang pinikit ang kanyang mga mata.

Hinalikan ko sya sa noo at pinagmasdan habang natutulog.

"Yvan.."

"Ma?" Banggit ko nang pumasok sya sa kwarto.

Naupo sya sa bakanteng upuan at tiningnan ako ng seryoso. "Ano ba talaga ang totoo?"

"S-Sorry ma.."

Napabuntong hininga sya.

"P-Pilit nilang nilalayo sa akin ang anak ko, kaya nagawa kong itakas si Janus mula sa kanila."

"Hindi mo dapat ginawa yun."

"Pero ma, kung hindi ko ginawa yun, tuluyang mawawala sa akin si Janus. Tuluyan ko nang hindi makikita ang anak ko habambuhay."

"Hindi nila gagawin yun sayo dahil ikaw ang ama ni Janus."

"Gagawin nila ma. Magpapakasal si Kien sa ibang lalaki ngayong buwan. At pagkatapos ng kasal, aalis sila. Pupunta sila ng Taiwan at doon maninirahan kasama ang anak ko."

Hindi naman na nakasagot pa si mama.

"Kaya nga po ginagawa ko ito eh. Kasi ayaw kong malayo sa akin ang anak ko. Kasi mahal ko si Janus, mahal ko ang anak ko."

XXX

RICHIE's POV.

"Ate Kien, kumain ka na muna," sabi ko nang puntahan ko sya sa kwarto ni tinutuluyan namin.

"Makukuha ko pa kaya ang anak ko?"

Huminga ako ng malalim. "Makukuha natin si Janus. Hindi tayo uuwi hangga't hindi natin nakukuha si Janus."

"P-Paano kung hindi?"

"Ate Kien.. kailangan mong lakasan ang loob mo. Wag kang mawawalan ng pag-asa."

Nagbuntong hininga sya at sinimulang kumain. Lumabas ako saglit ng kwarto para tawagan si daddy.

[Anong balita?] Tanong ni daddy mula sa kabilang linya.

"H-Hindi po namin nakuha si Janus."

[Ano bang nangyari?! Tumawag ako sa governor ng Mindoro para maasikaso kayo sa pagkuha kay Janus! Bakit hindi nyo sya nakuha?!]

"Dad..sa palagay ko hindi maganda ang naisip nyong paraan. T-Takot na takot si Janus kanina nang dumating kami sa kanila kasama ang mga pulis, dahil doon nagalit po si Yvan."

Dinig ko naman ang pagbuntong hininga ni daddy. [Ano bang plano ng ate mo?]

"S-Siguro kakausapin nalang po namin ng masinsinan si Yvan at pakikiusapan."

[Sa tingin mo ba papayag sya sa gagawin mo?!]

"Dad naman, hindi kailangan daanin sa dahas ang lahat. Kailangan lang po siguro nilang magkaroon ng maayos na usapan."

[Sige na. Ikaw na muna ang bahala sa ate mo. Balitaan mo nalang ulit ako.]

Bumalik ako sa loob ng apartment at naabutan kong kumakain si ate Kien. Sinubukan ko syang kausapin.

Look at this Richest Man (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon