34. #BEINGaFather

3.8K 138 12
                                    

Chapter 34

YVAN's POV.

"Oh mumog ka na... tapos buga.." sambit ko.

Katulad ng sinabi ko, ginawa naman ito ni Janus matapos mag-toothbrush.

"Ang galing ng anak ko ah!" Puri ko sa kanya at bahagyang ginulo ang buhok nya.

"Manonood tayo ng cartoons?" Tanong nya.

"Oo, doon tayo manonood sa kwarto."

"May aircon ka?"

Napahinto ako sa aking narinig. Zamorang-zamora nga talaga ang batang ito. Halatang anak mayaman. "S-Syempre naman, may aircon si Papa Yvan. Halika na, doon na tayo sa loob ng kwarto."

Nang makapasok na kami sa kwarto, nagulat ako nang sya mismo ang nagbukas ng TV at naglipat sa cartoon channel.

Halos hindi ko sya makausap dahil tutok na tutok sya sa kanyang pinapanood.

"Umm... Janus, matulog na tayo.. alas-onse na ng gabi oh."

"Tsk."

Napakunot ang noo ko. Anak ko nga talaga ang batang ito.

Sinubukan ko ulit syang pakiusapan. "Alam mo, hindi maganda sa bata ang napupuyat.. matulog na tayo. Bukas nalang ulit tayo manood ng cartoons."

"Ayaw!"

Napakamot ako sa ulo. Sinanay ba ni Kien sa puyatan ang batang ito? Wala naman na akong nagawa kundi ang humiga at pagmasdan sya habang nanonood ng TV.

Ilang saglit lang ay humiga na rin sya sa tabi ko pero patuloy pa rin syang nanonood.

"Janus?" Sambit ko.

Hindi sya sumagot. Nakatuon pa rin ang atensyon nya sa panonood ng TV kahit pa nakahiga na sya.

Natawa nalang ako sa kanya. Ngayon nakikita ko na kung ano ang mga interes nya.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ako makapaniwala na nandito na sya ngayon sa tabi ko. Tila hindi ko magawang alisin ang mata ko sa kanya.

Nandito na mismo sa tabi ko ang dahilan kung bakit kailangan kong lumaban sa hamon ng buhay.

Malaki ang pasasalamat ko na nabigyan ako ng pagkakataon na mangyari ang mga oras na ito. Ang mga oras na dinalangin ko mula nang malaman kong kadugo ko ang batang ito.

Bakit nga naman ako maghahangad pa na makasama ko pa ang nanay nya kung alam kong malabo naman na, at kung si Janus palang ay sapat na para maging masaya ako sa bawat umaga na darating sa buhay ko.

Matalino talaga ang Panginoon, kung nawawalan ka ng pag-asa, talagang may ibibigay syang inspirasyon. Inspirasyon na bumangon sa bawat umaga at harapin ang hamon ng buhay.

Fact: Everything happens for a reason

Nagkasakitan kami noon ni Kien at dahil doon, malabo nang maibalik pa ang nakaraan namin. Masasabi ko na kaya nangyari ang mga nangyari noon ay para maranasan ko ngayon ang saya na dulot ng pagiging isang ama.

Muli akong napatingin kay Janus at nakita kong nakapikit na ang mga mata nito.

Bahagya akong natawa. Pinatay ko ang TV gamit ang remote. Hinaplos ko ang buhok nya at pinagmasdan sya.

Bakit nga ba hindi ko agad napansin na kahawig ko ang batang ito nung una ko palang syang nakita? Tama si Warren, para kaming pinagbiyak na bunga.

Natawa nalang ako sa mga bagay na pumapasok sa aking isipan.

Look at this Richest Man (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon