Chapter 49
YVAN's POV.
"Bakit hindi natuloy?" Nagtatakang tanong ni Marco.
"Dumating bigla si Janus eh."
Napatingin si Marco kay Janus na kasalukuyang nakaupo sa couch ng opisina at nakatuon ang atensyon sa TV.
"Tangina, natatakot tuloy akong magkaanak."
Napailing lang ako sa sinabi nya at binalik ang atensyon sa trabaho.
Bahagyang natawa si Marco. "Edi nabitin ka?"
"Mabuti na rin yun. Ikaw lang naman ang may gustong may mangyari sa amin ni Penelope."
"Tsk. Nagmalinis na naman."
"Hindi ako nagmamalinis. Maiintindihan mo ako kapag nanganak na ang asawa mo."
"Fvck! Hindi ko asawa si Margie. We're not even married."
"Kahit pa, anak mo pa rin ang dinadala nya."
"Bakit ikaw? Asawa mo ba si Kien?"
Napahinto ako sa tanong nya at napatingin sa kanya.
Tinaas nya ang kanyang mga kamay. "Oooppss.. sorry. Didn't mean to offend you. Pero Yvan, sa susunod kasi, wag mong papupuntahin si Janus sa inyo kapag lumabas tayo. Paano ka makakapag-take out ng chix kung nasa unit mo yang anak mo?"
"Hindi ko nga alam na darating sya. That's already late at night, and yet he came to my home."
"Paano daw sya nakarating sa unit mo?"
Patuloy naman ako sa aking ginagawa habang kausap si Marco. "Hinatid daw sya ng mommy nya."
"Hinatid sya ni Kien?"
"Yun ang sabi nya sa akin. Imposible namang makarating sya sa unit ko ng walang kasama."
"Sa ganung oras?"
"Baka may importanteng lakad lang si Kien nung gabing yun."
"I doubt it." Sumandal si Marco at tumingala. "Sa palagay ko, sinadya ni Kien."
Natigilan ako sa sinabi nya. "Anong pinagsasasabi mo?"
"Sinadya ni Kien na dalhin doon si Janus kasi alam nyang may kasama kang ibang babae."
Bahagya akong natawa. "Paano naman malalaman ni Kien na may kasama akong babae?"
"Malay mo, may nakakita sayong kakilala nya tapos sinabi sa kanya."
"Hindi. Malabo yun." Tinuloy ko ang aking ginagawa.
"Pero Yvan, isipin mong mabuti-"
Huminto ako at tumingin sa kanya ng seryoso. "Ano namang pakialam ni Kien kung may kasama akong babae? Wala syang pakialam sa akin kahit sino pa ang babaeng kasama ko. Naiintindihan mo?"
"Okay fine. Chill."
Napabuntong hininga ako at tinuloy ang aking tinatapos na trabaho.
Kung totoo lang sana ang konklusyon ni Marco, sana totoo nalang. Pero malabo. Dahil ang totoo, walang pakialam sa akin Kien. Walang-wala.
XXX
MARY KIEN's POV.
"Kung nakita mo lang sana ang itsura ni Penelope." Nakangiti kong sabi.