Chapter 6
STEPHANIE's POV.
"Hi Maam Steph," bati sa akin ng mga tao ni Yvan dito sa kanyang shop.
"Nasaan si Yvan?" Tanong ko.
"Nandoon sa office, maam."
Agad naman akong lumakad papuntang office ni Yvan at naabutan ko syang tulala habang nakaupo sa harap ng kanyang mesa.
"Yvan," sambit ko.
Agad naman nya akong nilingon. "Te... w-what brought you here?" Nagtataka nyang tanong nang makita nya ako.
"Ano bang nangyayari sayo? Naninibago ako sayo mula nitong mga nakaraang araw ah," sambit ko. Umupo ako sa couch dito sa office at tiningnan sya ng seryoso.
Umiwas naman sya ng tingin. "M-Marami lang akong inaasikasong trabaho," sabi nya na agad naghalungkat ng mga files sa kanyang table.
"Inaasikaso? Naabutan kaya kitang nakatunganga."
"Tsk. Eh ano? Boss ba kita para pagalitan ako?"
Napabuntong hininga ako. "Nagkausap kami kagabi ni Angelica, hindi mo na raw sya nasasamahan. Parang nanlalamig ka na raw sa kanya?"
Nakakunot ang noo nyang tumingin sa akin. "Nanlalamig? How could be? We don't even have any relationship."
"Pero pinaasa mo sya, she thought you like her.."
"What?!" Napailing nalang sya sa inis.
"Baka nakakalimutan mo na kaibigan ko si Angelica."
"Look, Stephanie. Stop pushing me to your friend. Pinakilala mo sa akin si Angelica then after that, lumabas kaming dalawa because of the same interest. Nasabi nya sa akin na may gusto syang ipa-rehabilitate na kotse, pumunta ako sa kanila pero wala syang mapakitang sasakyan na ipapaayos nya. She cooked food for me and we ate dinner on her place, and that's it. Nothing more than that. Paano nya naisip na gusto ko sya? Aish.. girls thinking really sucks," inis nyang sabi.
Napabuntong hininga ako. "Okay fine. There's a party in Vecago bar, anyway. I'll go with Glenn, wanna join?"
"Hindi na, marami akong tinatapos."
"Bakit ba buong araw ka nang tumatambay dito sa shop mo? Dati naman, umaga at gabi ka lang napunta dito to check the total daily sales."
Tumaas ang kilay nya sa akin. "I told you, marami akong tinatapos na trabaho. Mister Gomez wants me to check all the autoparts needed for the rehabilitation of his vintage cars."
"Okay fine, hindi na kita pipilitin. I have to go," sabi ko at agad nang lumakad paalis. Hindi ko maintindihan kung bakit ang sungit-sungit ng kapatid ko mula pa nitong mga nagdaang araw.
Nang makalabas ako ng office nya, nakita ko ang isang puting kotse. Napangiti ako. Ang cute naman ng sasakyang ito, maliit lang sya at bagay na bagay sa isang babae na tulad ko.
"Kaninong kotse ito?" Nakangiti kong tanong kay France.
"Doon yan maam sa babaeng naflatan ng gulong. Panglimang araw na nga nyan dito eh, pero hindi pa rin kinukuha yang kotse hanggang ngayon."
Napakunot ang noo ko. "Bakit naman?"
"Hindi ko rin po alam. Pero mukhang kakilala naman po ni sir Yvan yung babaeng may-ari nyang kotse... P-Parang Mary Ann po ata ang pangalan nung babae."
Natigilan ako at napatingin kay Yvan. Nakita ko syang may kausap sa telepono.
It's belong to Mary Kien. Kaya naman pala ayaw nyang umalis dito sa shop nya.