29. #GettingFacts

4K 145 34
                                    

Chapter 29

YVAN's POV.

"The way she talked yesterday, parang pinapamukha nya sa akin na plano kong kunin sa kanya ang anak nya," sabi ko kay ate Stephanie.

"Hindi kaya paranoid ka lang?"

"Eh paano kung sya ang paranoid?"

"Therefore, may ibig sabihin nga talaga lahat ng mga sinabi nya. It really means na may malalim nga syang pinaghuhugutan."

"Ibig sabihin ako talaga ang ama ng bata?"

"Malay ko, hindi ko rin alam. Dapat nararamdaman mo yun eh, ano ba ang nararamdaman mo kapag kasama mo yung anak nya?"

"Hindi ko alam."

Tumayo sya at uminom ng juice. "Ilan taon na ba yung anak ni Kien?"

"Apat na taon?"

Kumunot ang noo nya. "A-Apat na taon?" Napaisip sya. "Limang taon na kayong naghiwalay ni Kien eh, baka nga hindi sayo."

"Hindi ko alam." Napabuntong hininga ako.

"Pero posible rin na anak mo nga ang batang iyon. Isa lang ang ibig sabihin nyan... buntis na si Kien nang maghiwalay kayong dalawa."

Tumingin ako sa kanya ng seryoso.

"Kung ngayong taon na ito maglilimang taon ang anak nya, m-malaki ang posibilidad na anak mo nga ang batang iyon."

Naupo ako sa couch at huminga ng malalim.
.
.
.
"Ito ang tandaan mo, wala kang karapatan sa anak ko!"

"H-Hindi kita maintindihan."

"Hinding-hindi ako makapapayag na makuha mo sya sa akin!"
.
.
.
"Mister Yvan, bibilhan mo ako ng ice cream?"

"Oo ba, basta ba hindi ka makulit eh."
.
.
.
"Anak mo ba yan?"

"Tsk. Anak ito ni Kien.."

"Sigurado ka? Tingnan mo nga yang mukha nyong dalawa, parang pinagbiyak na bunga."
.
.
.
Lalong gumulo sa aking isipan kapag naiisip ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

Hindi ko masasabi kung totoong anak ko si Janus dahil wala akong alam. Isa lang ang sigurado ako, magaan ang loob ko kapag kasama ko sya.

Hindi ko alam kung dahil lang anak sya ni Kien, o di naman kaya'y kadugo ko talaga sya.

XXX

LEXI's POV.

"Ano ba ang problema? Bakit hindi mo sabihin sa akin?" Tanong ko kay Yvan habang kausap ko sya sa video chat.

Nagbuntong hininga sya. [Saka ko na sasabihin sayo, hindi naman yun problema eh. Di ko sya matatawag na problema hangga't hindi ko nakukumpirma.]

"Is it regarding to your business?"

[Hindi, hindi. My bussiness doesn't have to do with it.]

"But it looks like you are affected hardly."

[Hindi ko maintindihan. Di ko nga alam kung dapat akong matuwa o magalit oras na malaman ko ang totoo.] Huminga sya ng malalim. [Anyways, kamusta ka na dyan?]

"Okay lang naman, sabi ng doktor mas mabuti ngang mag-stay na muna ako dito."

[I told you.]

Look at this Richest Man (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon