Chapter 20
MARY KIEN's POV.
"I will just go upstairs to take Janus here," sambit ni Dred sa akin.
"But if he's already asleep, don't wake him up anymore," sabi ko naman.
Humalik pa sya sa noo ko bago sya lumakad papunta sa taas.
Naupo ako sa sala para ipahinga ang aking paa. Napagod ako ng sobra dahil sa paglalakad namin ni Dred kanina. Nakipagkita kasi kami sa organizer ng kasal namin para i-check ang venue ng pagdadausan ng aming simpleng kasal.
"Where have you been?" Tanong sa akin ni mommy.
"Pinuntahan lang namin ma yung venue ng wedding namin ni Dred."
Naupo sya sa isang upuan. Tumingin sya sa akin habang nakangiti. "Are you excited?"
Napangiti naman ako at tumango.
"Ganyang-ganyan din ang naramdaman ko nung ikakasal na kami ng daddy mo."
"Ma, ilan taon ako nung kinasal kayo ni daddy?"
"You were just three years old that time."
Huminga ako ng malalim at humugot ng lakas ng loob. "Ma.. y-yung tunay kong tatay.." Hindi ko naman magawang ituloy ang tanong ko.
Napahinto naman sya sa ilang salita na nabitiwan ko. "Bakit?" Seryoso nyang tanong.
"A-Ano po ang huli nyong balita sa kanya?"
Nagbuntong hininga si mommy. "Nag-aral daw sya sa Amerika.. yun ang huli kong balita sa kanya bago kami ikasal ni Sammy."
"H-Hindi nya po ba talaga ako tinanggap bilang anak?"
Ngumiti sa akin si mommy ng pilit. "Kung tinanggap ka nya, edi sana una palang. He didn't even come when you were born."
"Hindi nya man lang ako nakita kahit isang beses?"
"Yun ang pagkakaalam ko. Muntik pa nga humantong sa korte ang lahat e, pero para saan pa? Kahit naman manalo kami sa kaso at mapakulong sya, hindi pa rin naman mababago na hindi nya tayo tinaggap pareho."
Tumayo ako at lumapit kay mommy.
"Why?" Natatawa nyang tanong.
Agad kong niyakap si mommy ng mahigpit.
"Kumapit kang mabuti ha!" Dinig kong sabi ni Dred.
Narinig ko rin ang pagtawa ni Janus. "Waa! Mommy! Hahaha!" Tuwang-tuwa na sambit ni Janus habang nakasalabay sa likod ni Dred at pababa sila ng hagdan.
Pinahid ko ang luha ko at ganun din si mommy.
Nang makababa si Janus ay agad syang tumakbo papunta sa akin. "Bakit hindi ka pa natutulog, anak?"
"Hinihintay ko kayo ni daddy e."
"Naabutan ko sya doon sa kwarto ni Lance. Hindi tuloy makapag-focus si Lance sa pagre-review dahil sa kakulitan nya," natatawang sambit ni Dred.
Sumabat naman si mommy. "Saka nga pala, since dito lang naman sa Manila gaganapin ang kasal nyo, inimbitahan ko na ang Tita Gina at Tito Luke nyo."
"Sige po ma, ako na po ang bahalang magbigay ng invitation bukas sa kanila," sagot ni Dred.
"Excited na rin ako para sa kasal ng unica hija ko," sambit pa ni mommy.
Napangiti naman ako at napatingin kay Dred.
Muling lumapit si Janus kay Dred. "Pero bago ang kasal, syempre birthday party muna ng anak ko," sabi ni Dred at kiniliti pa si Janus. Panay tawa naman ito.