37. #NewLife

3.6K 122 10
                                    

Chapter 37

YVAN's POV.

"Anak, kain ka na," sabi ko kay Janus.

Imbes na sumagot, umiling lang sya habang nakayuko.

Napabuntong hininga ako. "Janus.."

"Si mommy.." malungkot nyang sabi. Alam kong nakita nya kanina si Kien na umiiyak habang paalis ang barkong sinasakyan namin.

"Makikita pa naman natin ang mommy mo e."

Tumingin sya sa akin ng seryoso at nakita kong pumatak ang luha nya. "Susunod sa atin si mommy?" Tanong nya habang umiiyak.

Pinahid ko ang kanyang mga luha. "S-Susunod sya sa atin.. pero kain ka na muna, anak. Kanina pa walang laman yung sikmura mo e."

"I don't want to eat."

"G-Gusto mo bang magalit sayo ang mommy mo? Di ba love mo si mommy?"

Tumango naman sya.

"Kung love mo sya, kakain ka. Kasi kapag hindi ka kumain, magagalit sya sayo. Kapag nagalit si mommy, hindi na sya susunod sa atin."

Susubuan ko sana sya ng pagkain pero muli syang umiling.

Wala na akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga.

"Halika nga.." Hinawakan ko sya sa kanyang kamay at nilagay sya sa aking kandungan. "I promise, you'll be happy with papa Yvan.."

Nakatingin lang sya sa akin ng seryoso.

Huminga ako ng malalim at niyakap sya ng mahigpit.

XXX

DRED's POV.

[Nasaan ka ba?] Tanong sa akin ni Tito Sammy nang tawagan nya ako.

"Nasa byahe po ako ngayon papuntang Batangas."

[Batangas?]

"Umm.. nandoon po kasi si Kien, susunduin ko po."

[Anong bang ginagawa ni Kien doon?] Galit na tanong ni Tito Sammy.

"Umm.. ipapaliwanag nalang po namin mamaya kapag nakauwi na kami sa bahay. Pasensya na Tito.."

[Okay, bilisan nyo ha. Nag-aalala na ang mommy ni Kien.]

"S-Sige po."

Binilisan ko ang aking pagmamaneho dahil hindi na rin sumasagot sa tawag ko si Kien. Hindi ko na maiwasan ang mag-alala para sa kanya.

"Excuse me, saan yung terminal ng Magdalena Ferry?" Tanong ko nang makarating ako sa port.

"Doon po, sir."

"Salamat."

Nagmadali akong pumunta sa itinuro ng taong pinagtanungan ko.

"Pasensya na sir, nakaalis na po yung last trip," sabi sa akin nung guard.

"Umm.. pupuntahan ko lang yung asawa ko." Agad din naman nya akong pinagbuksan ng gate.

Halos wala nang tao sa buong port, nilibot ko ang paningin pero hindi ko makita si Kien.

Hanggang sa nakita ko ang nag-iisang babae na nakaupo sa bench.

Napabuntong hininga ako. Lumakad ako palapit sa kanya.

"Kien.."

Tila gustong pumatak ng mga luha ko nang makita ko sya.

"Wala na si Janus.. kinuha na nya." Mahina nyang sabi.

Look at this Richest Man (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon