50. #LastChapter

7.4K 227 40
                                    

Chapter 50

LEXI's POV.

Nakatanaw lang kami ni Clark sa mga eroplanong umaalis. Hinatid na kasi namin sina mama at papa dito sa airport para umuwi sa Pilipinas.

Huminga ako ng malalim.

"Wala ka pang balak umuwi?" Tanong sa akin ni Clark.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Halika na."

Habang nasa byahe kami pauwi sa tinutuluyan namin, hindi ko maiwasang mapaisip. Naiisip ko lang kung makakabalik pa ba ako sa bansang pinanggalingan ko.

Tila naramdaman din ni Clark ang iniisip ko. "Nami-miss ko na ang Pilipinas." Sambit nya.

"Sinabi ko naman kasi sayo, sumama ka na pauwi kila mama. Kaya ko namang mag-isa dito."

Bahagya syang natawa. "Kayang mag-isa? Eh palagi mo ngang nakakalimutan ang araw kung kailan ka dapat pumunta sa clinic."

Natawa nalang din ako. "Sabagay. Mabuti ngang nandito ka na rin. Pasasakitin mo lang ang ulo nina mama doon sa atin."

Nang makababa kami ng taxi, sinabi ni Clark na pupunta muna sya sa convenience store na isang kanto lang ang layo sa tinutuluyan namin.

Kinapa ko ang susi ng pinto sa bag ko at agad na binuksan ang pinto.

Dumiretso ako sa banyo para maligo. Habang naliligo ay narinig ko naman na ang pagdating ni Clark.

Sa loob na ako ng banyo nagbihis katulad ng aking nakasanayan.

Paglabas ko ng banyo, narinig kong nanonood si Clark ng TV sa sala.

"Clark, sa labas nalang kaya tayo kumain? Anong sa tingin mo?" Tanong ko habang sinusuklay ang aking buhok sa harap ng salamin.

Hindi naman sya sumagot. Marahil ayaw nya ng ideya ko.

Nakita kong bukas ang refrigerator. Napabuntong hininga ako. "Clark naman! Iniwan mo na namang bukas ang refrigerator! Burara ka talaga kahit kailan!"

Imbes na sumagot, narinig ko lang na tumawa sya sa kanyang pinapanood.

Hindi naman na ako nakapagtimpi pa kaya lumakad na ako papunga sa sala..

"Clark ano ba! Kanina pa kita-"

Napahinto ako sa aking nakita. Tila nahirapan akong huminga sa sobrang gulat nang makita ko syang nakaupo sa sala.

"D-Dado?"

Tumingin sya sa akin at ngumiti. "Makikinood lang ha."

"A-Anong ginagawa mo dito sa Australia?"

"Edi pinuntahan ka." Binalik nya ang kanyang atensyon sa kanyang pinapanood.

Habang ako ay nanatiling nakatayo at nakatingin lang sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nandito sya.

Tumawa sya ng malakas sa kanyang pinapanood hanggang sa napatingin sya sa akin at unti-unting kumunot ang noo. "Bakit ganyan ka makatingin?" Natatawa nyang tanong.

"Umm.." Wala nang ibang salita na lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin.

Tumayo sya at lumapit sa akin. Pumunta sya sa aking likuran at naramdaman ko ang kanyang paghinga sa batok ko. "Ang bango mo ah. Naligo ka ba kasi alam mong darating ako?"

"H-Ha?"

Siningit nya ang ilang hibla ng buhok ko sa aking tainga at bumulong sa akin. "I like your sweat shirt."

Look at this Richest Man (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon