Chapter 40
MARY KIEN's POV.
"Ano ba Richie! Nasaan ka na?! Kanina pa kita tinatawagan ah!" Galit kong sabi nang sa wakas ay sagutin nya ang tawag ko.
[Nandito ako kila kuya Yvan.]
Napahinto ako sa aking narinig. "Akala ko ba sinamahan mo ako dito para tulungang makuha si Janus? Eh bakit parang mas kumakampi ka na kay Yvan?"
[Tsk. Si ate talaga. Na-miss ko lang naman si Janus. At saka bored na bored na ako dyan sa hotel. Malay mo, mapakiusapan ko si kuya Yvan na ibalik na si Janus.]
"Kausap mo ba sya ngayon?"
[Wala nga sya dito sa kanila eh. Umalis daw. Pero nandito si Janus.]
"N-Nandyan si Janus?"
[Oo. Aalis kami kasama ang mga pinsan nyang sina Abby at Dan. May pupuntahan daw kaming resort.]
"Umm.. kasama na si Yvan?"
[Baka hindi, importante daw yung pinuntahan nya eh.]
Nakaramdam ako ng kaunting taranta. "Ganito, Richie. Kapag kasama mo na si Janus, isama mo sya. Magkita nalang tayo sa Calapan Port. Itatakas natin si Janus."
[Aish. Ate naman, lalong gugulo lang ang sitwasyon dyan sa naiisip mo eh.]
"Pero ito na ang inaantay nating pagkakataon para mabawi si Janus!"
[Makinig ka nga muna sa akin. Sinasabi ko sayo, susubukan kong pakiusapan si kuya Yvan. Hindi lang muna ngayon dahil wala sya. Hayaan mo na muna kaming makapasyal dito sa Mindoro.]
Napabuntong hininga nalang ako. Nakuha ko rin naman ang punto ni Richie. Mas lalo nga lang gugulo ang sitwasyon kapag ginawa naming itakas si Janus.
[Kung gusto mo, sumama ka nalang sa amin. Hinahanap ka rin ni Janus eh.]
"S-Saan ba ang punta nyo?"
[Fontana Resort daw.]
"S-Sige. Pupunta ako."
XXX
RICHIE's POV.
"Sino yung kausap mo?" Tanong ng pinsan ni kuya Yvan na si Abby.
"Umm... ate ko yun. Wala naman akong ibang pwedeng tawagan. Wala naman akong girlfriend o kahit anumang babae na malapit sa akin. Hindi ko pa kasi nahahanap yung love of my life ko. Pero feeling ko, nakita ko na dito sa Mindoro. Gusto mong malaman kung sino?"
Natawa naman sya. "Ang simple lang ng tanong ko, ang haba naman ng sagot mo." Napailing sya at agad na tumalikod sa akin. Lumapit sya kay Janus. "Tita Luz, alis na po kami nila Janus. Halika na, Janus."
"Oh Richie, tara na. Nakahanda na yung van. Ihahatid daw tayo ni tito," sabi pa ng isang pinsan ni kuya Yvan na si Dan.
Sinundan ko ng tingin si Abby at agad syang pumasok sa loob ng van kasama si Janus.
Lumakad na rin naman ako. "Pre, bakit ganyan yung pinsan nyo?"
Tumingin si Dan sa akin na nakakunot ang noo. "May problema ba kay Abby?".
"W-Wala naman.. kaya lang bakit parang wala syang interes sa lalaki?"
Tinawanan naman ako ni Dan. "Type mo ang pinsan ko noh?"
"H-Hindi ah. Mas marami pa akong mga kakilalang babae na mas maganda sa kanya sa Manila eh."
"Alam mo ba kung ano ang gusto nya sa lalaki?"