Chapter 27
MARY KIEN's POV.
"Sige na maam, ako na pong bahalang tatapos dyan," sabi ng assistant ko.
"Salamat. Kapag natapos ka dyan, makakauwi ka na."
"Sige po maam."
Naupo ako sa harap ng table ko nang biglang tumawag si Dred. "Hon?" Sagot ko.
[Kasama mo ba si Janus?]
"Hindi eh. Bakit?"
[Tumawag ako sa bahay, wala daw sya doon.]
"Isinama pala sya ni Richie sa bahay nila Bianca, yung girlfriend nya."
[I see.. gusto ko lang sanang makausap.]
"Eh ako? Ayaw mo bang kausap?" Nagtatampo kong tanong.
Narinig ko ang pagtawa ni Dred mula sa kabilang linya. [Napaka matampuhin naman nitong asawa ko.]
"Eh mukha kasing yung anak mo lang ang na-miss mo eh."
[Of course, I miss you more.]
Napangiti naman ako. "Kamusta pala dyan? Bakit bigla kang napatawag? Wala ka bang ginagawa dyan?"
[Wala nga eh. Baka bumalik na rin kaagad ako dyan sa Manila bukas.]
"Ang bilis naman. Kaaalis mo lang kanina. Just enjoy your vacation first."
Nagbuntong hininga sya. [Hindi naman kasi madali kapag malayo sa pamilya mo eh.]
"Bakit? Pamilya mo din naman sila dyan ah. Kamusta pala ang mama at papa mo?"
[Heto, katatapos lang namin maghapunan. Nagkaroon nga ng biglaang reunion. Dumating din pala kasi si tita Meddy.]
"That's good. Kung sakali pala, sumama nalang din pala sana kami ni Janus sayo dyan."
[Kaya nga eh. Sige na hon, I'll call you later. Tinatawag na ako nila mama.]
"Okay. Ikamusta mo nalang ako sa kanilang lahat dyan."
[Okay-okay. Bye, I love you.]
"Maam Kien, okey na po yung letter," sabi ng assistant ko.
"Sige, pasend nalang kay Mister Morales. Baka kanina nya pa hinihintay yan."
"Sige po, maam."
XXX
YVAN's POV.
Sumilip ako saglit sa bukana ng shop.
"Tol, sinong hinihintay mo?" Tanong sa akin ni Warren.
"Yung sundo ni Janus." Napatingin ako sa relo ko. "Alas-sais na ng gabi eh, baka hinahanap na yan ng nanay nya."
Natawa si Warren. "Baka naman pinaampon na sayo yan. Lagot na, naging instant daddy ka."
"Tsk. Puro ka talaga kalokohan."
Muli syang tumawa at agad akong tinalikuran.
Napabuntong hininga naman ako. "Fred, bumalik ka nga ng pagkain ngayon sa mall."
"Wow! Magpapakain si, sir! Woohoo!" Tuwang-tuwa na sabi nilang lahat.
Lumapit agad sa akin si Fred. "Anong bibilhin ko sir?"
"Basta makakain." Agad akong nagbigay ng pera sa kanya. "Alas-sais na ng gabi, siguradong gutom na gutom yung bata mamaya kapag nagising."