ESMERALDO PACHECO. Owner and CEO of Oriental Pots Architecture and Landscapes.Iyon agad ang pangalan na hinanap ni Elaina Percival sa master guest list ng mahawakan niya iyon. At hindi nga siya nagkamali. Isa sa mga nag – rsvp si Esmeraldo Pacheco para dumalo sa ekslusibong pagtitipon na iyon ng Philippine Organization of Architectural Designs at sa nakita niya ay dumating na ito sa pagtitipon. Kilala si Esmeraldo Pacheco na isa sa mga members ng POAD bukod pa sa kilala ito bilang isang magaling na Architect at hindi mabibilang ang mga sikat na mga estruktura at establishments na naitayo nito. Bukod pa sa pagiging designer ng mga bahay ng mga kilalang businessman, artista at mga pulitiko.
Iginala niya ang paningin sa paligid ng SMX Convention Center at nakita niya ang medyo may edad na lalaki na naroon sa dance floor kasayaw ang isang babaeng sa tingin niya ay kasing – edad lang din niya. Napa – ismid siya. Naisip niyang tumanda lang si Esmeraldo Pacheco pero ganun pa rin ito. Likas pa ring babaero.
Kung anak ko man 'yang nasa tiyan mo, kasama ng sulat na ito ang cheke na nagkakahalaga ng sampung libong piso. Maghanap ka ng clinic na magtatanggal niyan sa tiyan mo.
Pakiramdam ni Elaina ay tumatagos sa puso niya ang galit sa tuwing maalala ang sulat na iyon na nabasa niya mula sa mga gamit na nakita niya ng magligpit siya ng mg naiwan na gamit ng kanyang ina. Bata pa lang ay lagi ng sinasabi sa kanya ng nanay niya na isang mayaman at kilala sa alta sa sosyedad ang kanyang tatay pero hinding – hindi nito sinasabi sa kanya ang totoong katauhan nito. Mag – isa siya nitong itinaguyod at kailanman ay hindi siya nakarinig ng anuman na masasamang salita laban sa ama niya.
Pero nitong nakaraang anim na buwan ay binawian ng buhay ang nanay niya dahil sa sakit na ovarian cancer. Doon niya nalaman lahat kung sino at kung anong klaseng pagkatao ang meron ang kanyang ama. Ipinagtapat lahat ng kanyang ina kung anong klaseng tao si Esmeraldo Pacheco. Dating sekretarya nito ang kanyang ina at dahil sa likas na maganda ay nabigahani nito si Esmeraldo. Dala ng matatamis na salita ay nahulog ang loob ng kanyang ina at siya ang naging bunga. Nang ipaalam ng nanay niya ang kalagayan na nagdadalang – tao ay tinanggal ito sa trabaho ng lalaki at hindi na kinausap kahit kailan. Noon din niya nakita ang sulat nito sa nanay niya kasama ang chekeng ibinigay nito para ipalaglag siya.
Nang malaman niya iyon ay talagang ginawa niya ang lahat ng paraan para matunton ito. Hindi madaling makausap si Esmeraldo. Bukod sa napakarami nitong bodyguards, kapag hindi nito kilala o hindi magiging katulong sa negosyo nito ay talagang hindi nito pinag – aaksayahan ng panahon. Kaya sigurado siya na kahit puntahan niya ito sa opisina at ipakilala ang sarili bilang anak nito, alam niyang hindi siya nito tatanggapin.
Bilang may ari ng Prime Events Management, alam na alam na niya ang mga malalaking corporate events na nangyayari taon – taon. Matagal na siya sa industriyang iyon kaya marami na siyang connections at mga loyal clients. Nang malaman niyang si Esmeraldo Pachecho ang kanyang ama at magkakaroon ng event ang POAD, hindi siya nagdalawang isip na sumali sa bidding para maging event coordinator ng pagtitipon na ito at hindi siya natalo. Ang kompanya niya ngayon ang nag – aasikaso para sa pagtitipon na ito.
Naikuyom niya ang mga palad ng makitang humalik pa sa pisngi ng babaeng kasayaw si Esmeraldo. Hindi niya alam kung paano siya lalapit dito para sumbatan at sabihin ang lahat lahat ng galit na nabuhay sa dibdib niya matapos niyang malaman ang lahat.
Inayos niya ang sarili at huminga ng malalim. Kumuha siya ng wine mula sa nagdaang waiter at inisang lagok lang ang laman niyon. Kailangan niyang maging kalmado. Ayaw niyang masira ang mga plano niya.
Nakita niyang muling nagsayaw sa dance floor si Esmeraldo muli kasayaw ang isang bagong babae. Mula sa lumilis nitong amerikana ay nakita niya ang red moon shaped birthmark sa kamay nito. Wala sa loob na napatingin siya sa kanyang kamay at nakita niya ang kaparehong balat na iyon na nagpapatunay na iisa ang dugo at laman nila ng lalaking ito. Gusto niyang magwala sa tuwing maiisip iyon.

BINABASA MO ANG
CLOSER TO LOVE
RomanceAll Elaina ever wanted was to let Esmeraldo Pacheco, her father, knew about her existence. And to spit on his face because of what he did to her mother. She was willing to do anything just to face the man that wanted her dead. She would do anything...