Happy reading! (^_^)
Chapter 30: 7-eleven
Timothy's Point of View
Kinalabit ako ni Mark at Noel--mga tropa ko. Nagring na kasi ang bell, dismissal na. Balak namin yayain si Daphnie na lumabas. Kung okay lang naman. Gusto rin kasi namin siyang makasama sa gala, kahit once lang. Yung bang kami-kami lang. And when I say kami-kami lang, wala muna sina Anthony.
Kinuha namin ang mga bag namin at lumapit kay Daphnie na kasalukuyang kasama sina Jerome at Kevin, nagseselfie silang tatlo sa laptop ni Jerome. Yung dalawa mukhang gago, si daphnie naman muntanga haha
"panget niyo mga ulopong!" sigaw ni Chikito
"wacky nga kasi!" depensa ni Daphnie tapos nagselfie ulit sila, "isa pa, pabebe wave naman" dagdag niya
"yuck, corny mo daph" sabi ni Kevin, tumango-tango naman si Jerome
"ay kj! dali na, ako magki-click! One...two... Three!" No choice naman yung dalawa kundi magpabebe wave. Kulit ni Daphnie eh, kapag yan nangulit, hindi ka makahindi. Kasama ata yun sa charms niya.
"Daphnie.." sabi ko pagkalapit namin, napatingin naman siya kaagad, pati nga sina Jerome at Kevin napatingin.
Ngumiti siya at tumayo, "Hi Timothy, Mark and Noel! Bakit?"
Woah, kilala niya kami.. I can't believe this. Akala ko kilala niya lang e yung mga lagi niyang nakakasama.
Siniko ko pa si Noel para magsalita, nahihiya akong yayain 'tong babaeng to. Baka isipin niya may gusto ako sa kanya, pero mukhang hindi naman siya ganon.
"Uuwi ka na? Tara, gala. Okay lang?" Si Mark na yung nagsalita, maski si Noel mukhang nahihiya.
"Ha? Kasabay ko kasi si Anthony.. but wait.." Lumingon siya sa paligid, hinahanap si Anthony.
"Anthony!" sigaw niya
"yea?" tanong ni Anthony habang nakatayo dun sa corner ng room hawak-hawak phone niya. Naglalaro ata ng pokemon go.
"Gala daw kami. Hindi muna ko sasabay, ha ne." sabi ni Daphnie
"Saan kayo pupunta?" kunot-noong tanong ni Michael, nakita ko namang umangat ang tingin ni Luke.
"Food trip, kahit saan lang." sagot ko
Nagkatinginan yung lima. Sina Luke. Alam ko namang protective mga yan, pero alam kong may tiwala sila sa lahat ng Newton. Nabawasan nga lang siguro yung tiwala nila kay Bentot. Kami naman, nung una nagalit syempre. Pero kung ako nasa sitwasyon niya, baka ganun din gawin ko eh. Ewan. Hirap nun.
"Okay lang yan. Enjoy madafakas! Tsaka hoy daph! Behave!" Kumaway si Kekem, binatukan naman siya ni Bentot. Natawa lang si Chikito.
"Take care, sweetheart! Text me when you are home." Winagayway pa ni Anthony yung phone niya kay Daphnie.
"yup, i will.. Byeee!" Kumaway na si Daphnie sa kanila, then she turned around para humarap sa amin. Hinatak niya ang braso namin palabas ng room.
BINABASA MO ANG
Newton's Princess Vol. 1 [COMPLETED]
Humor[NEWTON 1] Daphnie needed to transfer to a different school due to the conflict she has had with her half-sister for several years. Only to find out that her classroom for ninth grade will be filled with many boys who hold a single rule. Newton's ru...