Chapter 56: Hear me first

3.8K 140 11
                                        

Chapter 56: Hear me first

Daphnie's Point of View

Pagkaalis nina Anthony at Rizza kahapon, wala na. Patay malisya ulit. Parang walang nangyari. Hindi ko sure kung sadyang hindi showy ang mga boys o talagang tinatakwil na nila si Anthony.

"Nakikinig ka ba?"

Inosente akong ngumiti kay Luke sabay iling, "Hehe. Paano ulit?"

P.E class namin today kaso nga lang, indoor activities kaya sa loob lang kami ng room. May mga naglalaro ng chess kagaya nina Daniel na saksakan ng talino. Kanina pa siya doon pero walang nakakatalo sa kanya ni isa. Yung sina Timothy naman nagsscrabble. Actually, dapat kasama nila sina Chikito, Kekem at Bentot kaso panay lait nila sa bebe boy kong sinusumpa ng English. Kaya ayun, they end up playing snakes and ladders nalang. Sina Jasper naman hindi makaintindi! Indoor activities pero nagdala ng jumping rope at hula hoop. Ayos lang daw yon basta nilalaro sa loob, indoor pa rin. Mga buang!

Pero kasali ako sa mga yon kanina. Haha! Hinatak lang ako ni Luke at sinabing tuturuan niya ako kung paano bumuo ng rubik's cube. He heard from Michael kasi na gusto ko matuto non. Michael is the rubik's cube master of Newton. 10 seconds! Hanep lang! Nagpapaturo ako sa kanya dati kaso sukong-suko siya sa akin!

Luke stared at me seriously, "Gusto mo ba talagang matuto? Tss."

Napakamot ako ng ulo, "Oo, pero ang hirap kasi loading na loading sa akin."

Napabuntong-hininga siya at inulit. Una sa lahat, dapat mabuo raw yung cross dahil kapag nabuo yon, magiging madali na lang.

"Bakit pa cross? Pwede naman 'to oh. Mas marami pang nabuo" sabi ko naman sabay pakita sa kaniya

"Marami nga, hindi naman matatapos. Kulit." aniya sabay pitik sa noo ko.

Infairness naman kay Luke, ang haba ng pasensya niya! Si Michael nga stressed na stressed sa akin pero si Luke, kalmado pa rin. Pansin ko rin na mas nakukuha ko naman magturo si Luke kesa kay Michael. Salitang alien yon si Michael eh! Ikot raw kanan kaliwa ganito ganyan taas baba. Adik lang! Ang dami kaya iniikot. Pati utak ko umikot na!

Nang matutunan ang first layer, kasalukuyang tinuturo sa akin ni Luke yung second layer nang bigla siyang pinatawag ng dad niya sa office. Tinanguan ko siya at sinabing mamaya na lang ituloy pagtuturo. Tumayo siya at lumabas ng room. Sakto naman paglabas niya ay biglang tumunog ang phone niyang naiwan sa armchair niya. Kinuha ko yun at napatitig sa screen.

Lorraine

Ilang beses akong napakurap. Lorraine?

Lumingon ako sa paligid kung meron bang nakatingin sa akin, pero wala. Abala silang lahat sa paglalaro. Kaya naman tumalikod ako at sinagot ang tawag. I know I am invading Luke's privacy pero... my curiosity will kill me kapag hindi ko 'to ginawa.

"Hel---" bago pa man matapos ang sasabihin ko, someone grabbed the phone from my hand.

Luke.

"P-pinatawag ka sa office, diba?" tanong ko, pilit hinahanap ang mata niya ngunit hindi ko magawa.

Umiiwas siya ng tingin.

"Yeah. I forgot my phone. Kaya ako bumalik."

Napatango ako nang marahan, "Okay... sige."

Tumalikod na siya at umalis. Kasabay non ang mabigat kong paghinga.

Don't be ridiculous, Daphnie. Huwag kang puro hinala. Baka ibang Lorraine 'yon.

* * *

"Uy tep!"

"Oh, Daph. Bakit?" aniya habang abala sa kung ano mang sinusulat niya sa papel. Ngunit mabilis niyang inipit iyon sa notebook bago bumaling sa akin nang lumapit ako.

Newton's Princess Vol. 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon