Chapter 59: The plan

4.1K 120 15
                                    

Chapter 59: The plan

DAPHNIE'S POINT OF VIEW

"Kuchi-kuchi-kuchi kuuu" I tickled Jerome's frog. Naglalakad kami ngayon ni Jerome habang hawak ko alaga niyang frog. Nasa pocket niya to kanina kaya hiniram ko.

"Kokak!" the frog growled

Natawa ako dahil feeling ko best friends na kami ng palaka. Naiintindihan kaya ako nito? "Arf! Arf! Ar---aray!"

Bigla akong binatukan ni Jerome kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit ba!?"

"Tinatakot mo eh!" aniya

"Tinatakot? Sa cute kong to?" sabi ko bago binalik ko ang aking tingin sa palaka. Nakipag eye contact ako, "Are you scared of me, baby? No, right?"

"Kokak!"

Oh, my god. Nagkakaintindihan talaga kami!

"Walangya, may saltik" parinig naman ni Jerome

Epal!

"Uy pre." nakasalubong namin si Kevin, "Akala ko ba hindi ka papasok?"

"Akala ko rin." Jerome answered and looked at me.

I shrugged.

"Luhh makatingin." pagpaparinig ko habang nilalaro-laro pa rin si froggy.

Nagkausap na kami ni Luke kasama buong Newton. Hindi na dapat aalamin kung sino may kagagawan sa nangyari kay Kirsten pero nakakaguilty naman kung hindi magkakaroon ng sagot dahil sa akin. This time, okay lang talaga. Ewan ko pero after hearing Luke's thoughts, medyo panatag na ako kahit papaano. Siguro ganoon talaga minsan. We just need words of assurance.

Ayon kay Lorraine, alam ni Rizza kung sino ang salarin. Kaya naman si Rizza ang pupuntiryahin. Actually, Anthony tried. Ngunit hindi natibag si Rizza. Ayaw nga niyang nilalapitan o kinakausap siya ni Anthony eh. Kaya naman this time, si Luke ang kikilos, knowing that she's really into him. But of course, hindi lang si Luke ang kikilos. He still needs the other boys' help.

Luke told me not to attend school today para hindi ko nalang daw makita. He promised to finish everything, bigyan ko lang daw siya ng isang araw which is today. Matigas nga lang talaga ang ulo ko. Papasok pa rin ako. Kita niyo nga, ang saya saya na ni Jerome dahil buong araw niya makakasama si Akira, pangalan ng computer niya, (nagbunutan kasi sila kung sinong makakasama ko sa bahay for the entire day.. sabi ko kaya ko naman pero matigas din ulo nila) So ayun nga, badtrip sa akin yang si Jerome dahil masaya na siya ngunit binawi ko.

Saklap siguro nun no? Yung pinasaya ka lang saglit tapos babawiin. Parang pinagbigyan ka lang.

Char!

Luke called Rizza last night, telling her not to come to school alone because he'll pick her up. Partida! Kausap niya si Rizza sa harap naming lahat. I just tapped Anthony's shoulder dahil halatang ayaw niya sa nangyayari. Masakit naman kasi talaga. Hearing someone you love laugh not because of you.. but because of your best friend.

Rona and Charlyn knew. Feel ko sinabi ni Joseph kay Charlyn. Si Kekem naman kay Rona. But, im not really sure.

One more thing, habang kinakausap ni Luke si Rizza, Jerome and Kevin started working with Rizza's phone number. Hindi ko gets paano eh but according to them, kinuha nila mga text messages and call logs using Rizza's phone number. Namangha nga ako. Posible pala yun? Unfortunately, they found nothing useful. Puro text at tawag lang galing sa mga kulay.

Sa totoo lang, I feel sad for Rizza. Halata sa tono ng pananalita niya na nagulat siya sa biglaang pagtawag ni Luke. Ang saya-saya niya. Hindi niya alam na niloloko lang siya. Sana malaman na nila agad kung sino may kagagagawan para wala ng napaglalaruan at nasasaktan pa.

Newton's Princess Vol. 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon