Chapter 4: Her friend
Daphnie Kisha's Point of View
"Akala ko ba no girls allowed?" Nakaakbay pa rin sa akin si Anthony habang papunta kami sa canteen.
"Kaya nga" sagot naman niya habang patango-tango pa.
"Oh e bakit sinasama mo ako?" Nakakunot ang noo ko dahil hindi ko magets ang trip ng lalaking 'to.
Tumigil kami sa paglalakad, he smiled innocently, "Gusto ko lang" aniya at hinatak ulit ako.
"Gusto mo lang? Edi lumalabag ka sa rule niyo? Oh dear, you deserve a punishment."
Tumawa siya, "No, baka matuwa pa nga sila eh."
Bakit naman sila matutuwa?
Bago pa man ako makapagtanong ulit, hinawakan na niya ang magkabilang balikat ko at bahagya akong tinulak papasok sa canteen.
Nakita kong maraming tao sa loob at pinagtinginan kami, dahil siguro kasama ko si Anthony? I felt both of his hands on my shoulders and slightly pushed me hanggang makarating kami doon sa mahabang table kung nasaan ang mga kaklase namin.
"Hey people, Daphnie wants to eat with us"
"Hoy wala naman akong sinasabi---" someone's index finger landed on my lips. Natigilan ako.
"Stop complaining.." hinawakan nung lalaki yung wrist ko at pinaupo ako sa tabi niya
Nasa iisang table ang buong Newton. Ang daming foods! Mahaba yung table kaya kasya ang buong class. It's a bit awkward because they're all staring at me. So I awkwardly smiled, "Uhm hi?"
"Aren't you mad?" tanong ng katabi ko
"Hindi, naiinis lang" sagot ko. Bigla ko namang naalala yung nangyari kahapon at kanina kaya napangiwi ako, "just do not do it again, okay?"
Hindi talaga ako mabilis magalit. Maybe I already mastered the art of patience. Paano ba namang hindi? Araw-araw nasusubok ni Lorraine ang pasensya ko. I also somehow learned how to understand people. Na lahat ng ginagawa nila may dahilan at minsan kahit hindi mo naiintindihan, the least thing you can do to help is to atleast prevent yourself from hating or getting mad at them. Although syempre, hindi pa rin maiiwasang mainis o magalit lalo na kapag sobra-sobra.
"Okay, drink this." May naglagay ng baso sa harapan ko. What is that? Coke? I looked at them, "Baka kung anong kalokohan na naman 'to ah!"
"Nope. Just a peace offering." Anthony wiggled his eyebrows.
Nanatili pa rin ang tingin ko sa kanila. I do not believe them. Mukhang nagets naman nila na hindi ako naniniwala kaya kinuha nung isang lalaki yung glass sa harapan ko tsaka siya nagsalin ng konti sa isa pang glass.
"Chikito, inumin mo 'to. Ayaw nyang maniwala na nakikipag-ayos tayo eh." Pinagpasa-pasa nila yung glass hanggang umabot sa dulo, so that guy over there is Chikito. Siya yung blonde ang buhok.
"Nakteteng Joseph, bakit ako!?" reklamo niya
"Iinumin mo yan gamit ang bibig mo o ipasisinghot ko sa ilong mo?" banta nung lalaking katabi ni Anthony. His voice is cold and full of authority. Bossy! Siya yung tinutukoy kong pinakaseryoso na muntikan na akong sakalin nang bongga kahapon. Ano kasing pangalan niya? Gusto kong malaman lahat ng pangalan nila.
"Oo na oo na" Mabilis na ininom ni Chikito yung laman ng baso.
Napapikit siya nang mariin, "Ang sarap! Oo taena, sobrang sarap! Tikman mo Daphnie!"
"Talaga?" nakangiting kinuha ko yung glass sa harapan ko at uminom nang mabilis. Nauuhaw ako e.
Pero natigilan ako dahil... PAKSHET. PAKSHET. PAKSHET.
BINABASA MO ANG
Newton's Princess Vol. 1 [COMPLETED]
Humor[NEWTON 1] Daphnie needed to transfer to a different school due to the conflict she has had with her half-sister for several years. Only to find out that her classroom for ninth grade will be filled with many boys who hold a single rule. Newton's ru...
![Newton's Princess Vol. 1 [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/72860821-64-k169096.jpg)