Chapter 55: Leave Newton

4.1K 133 18
                                    

Chapter 55: Leave Newton

Daphnie's Point of View

Two days. Dalawang araw nang hindi umuuwi si Anthony though his things are still here. Dalawang araw ko na rin hindi naririnig ang pangalan niya. Walang bumabanggit. Ni isa. I tried texting him but I received nothing. Ang hirap ng ganito. Maattach sa isang tao at sa isang iglap, bigla na lang mawawala. Pero siguro mas nahihirapan ang iba sa sitwasyon. They've been friends for years.

Si Lorraine naman, ayun after nung nangyari sa cafeteria, hindi na mahagilap. Pilit ko nga siyang tinatawagan pero hindi sumasagot. Ang weird ng babaeng yun.

"Anong iniisip mo?" tanong ni Daniel sabay upo sa harapan ko.

I'm waiting for my breakfast right now. Alone but not really. Pabalik-balik kasi sa kitchen at dito sa dining si Joseph dahil nagluluto siya ng breakfast. He always does that. Routine na niya yan kaya nga tinuringan siyang chef ng Newton. May ibubuga naman kasi talaga ang mga niluluto niyang foods.

"Uh, I'm thinking kung bakit malapit na ang christmas pero parang araw ng mga patay dito sa bahay," kibit-balikat kong sagot.

Totoo yon. Maingay pa rin naman ang Newton pero iba sila ngayon. Marahil siguro may kulang. Kagaya ng isang pares ng kutsara at tinidor. Makakain ka pa rin naman kahit wala ang tinidor ngunit hahanap-hanapin mo pa rin dahil nasanay kang nandyan.

What!

Anong sabi ko?

"Huwag kang OA. October pa lang" panira niya

"Joseph, hungry na ako" pagpaparinig ko. Kita niyo, gutom na talaga ako. Pati kutsara at tinidor hinuhugutan ko na. Ano ba naman yon, Daphnie.

"Hi hungry." Daniel murmured kaya naman I made face and rolled my eyes.

This guy. Hindi ko alam kung ayos na ba siya o nagpapanggap lang. The latter, I think? Sino ba naman magiging okay! Saklap ng nangyayari sa kanila ni Sassa. If I were Sassa naman kasi, sasabihin ko na lang kay Daniel ang totoo. Kaso lang, I'm not Sassa. So anong pinaglalaban ko dito?

"Here."

"Ay here!" napahiyaw ako, "Parang kabute ka naman!"

Bigla na lang kasi sumulpot sa tabi ko si Joseph. Ngumiti siya at nilapag sa table yung nirequest kong grahams at hot chocolate. Ang lucky ko ngayong umaga dahil solo ko si Joseph! HAHA. Ako pa lang nagrerequest kaya payag siya agad. Minsan kasi tuwing tinatamad yan dahil sa sobrang dami at demanding ng Newton, magluluto siya ng isang klase ng food tapos bahala na kung sinong kakain at hindi. Magutom ang maarte! Malaganun ba.

"Gusto mo?" alok ko kay Daniel.

"No thanks." Iling niya, "Umagang-umaga tamis ng kinakain mo, you'll get fat at pagpapalit ka ni Luke."

Pinuno ko ng grahams ang bibig ko. Medyo natawa ako kaya halos tumalsik sa kanya pagkain na nasa bibig ko.

"Kadiri naman, Daphnie."

Sumimangot ako at nginuya ang kinakain ko bago magsalita, "May nakapagsabi na ba sayo na bitter ka?"

"Ikaw pa lang"

Umupo sa tabi niya si Joseph at naglapag ng dalawang cup of coffee. Tinanguan niya ito. Bale nakaupo silang dalawa ngayon sa harapan ko. I am busy eating while they're talking about some stuff. Hindi ko trip maging chismosa pero naintriga ako nang biglang tanungin ni Daniel si Joseph ng "Is she still sleeping?"

"She?"

Napalingon sila sa akin na para bang may nasabi silang hindi dapat, "Come on guys, I'll keep my mouth shut"

Newton's Princess Vol. 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon