Chapter 33: Cat fight

4.9K 183 40
                                    

Chapter 33: Cat fight

Daphnie Kisha's Point of View

Sinundan ko si Anthony hanggang sa rooftop ng school. Legit, kapagod! Super bilis niyang umakyat. Hiningal ako, grabe.

Tahimik lang siya at nakatingin sa view. Tumayo ako sa tabi niya, I can hear our heavy breathing. Magkasalubong ang dalawang makapal niyang kilay. Bakas sa mga ito ang magkahalong galit at pagkairita.

He remained silent. I also did the same. Pareho lang kaming nakatingin sa view. Panay ang lipad ng buhok ko dahil sa malakas na hampas ng hangin. I don't want to say something. Natatakot ako na baka mas lumala ang sitwasyon sa kung ano mang masabi ko.

"She was..." Napatingin ako sa kanya dahil sa biglaang pagsalita, "She was so kind and adorable that time. Everyone liked her attitude. She was the definition of perfect. Kaya aaminin ko, nahulog ako."

"Was?" kunot-noong sabi ko

Anthony nodded, "Her true color appeared, she's no longer the girl I once fell in love with."

So he is referring to Rizza.

"What do you mean her true color appeared?"

"Mabait si Rizza, noon. I can still remember when she tried to protect students from bullies. Angas niya non. Lagi lang akong nakatingin sa kanya mula sa malayo."

"Bakit hindi mo lapitan?" I asked curiously

"I was contended with my friends." he answered with a shrug

I was about to say something pero nagsalita ulit siya, kaya hinayaan ko na lang siyang magkwento. "But one time, may pinasok na mga babae sa Newton. You know our main rule."

"Yes, no girls allowed.." sagot ko

"Yeah, so we did everything para mapaalis yung new students. Pucha, she punched me in my face nung nakita niyang binubully namin yung mga babae. She even told me na bakla raw ako haha taena non e kung halikan ko kaya siya?"

He laughed but I can see the sadness in his eyes. Remembering memories is really a difficult thing. Mapapaisip ka talaga if it shouldn't happened in the first place? Should it never existed?

"I guess she would punch you again if gagawin mo yun." I giggled but he just smiled.

"Ilang araw namaga mukha ko dahil sa suntok niya. Ang angas. Sa ginawa niyang yun, mas lalo ko siyang nagustuhan. I became good. Tangina, kasi Daph tumigil ako sa pambubully. But it was a wrong move. Hindi na ako napapansin. Kaya balik sa dating gawi, dinoblehan ko pa ang pambubully para mapansin niya lang."

"And then? Napansin ka ba niya?" I asked

He nodded, "Yes and I offered a deal. I will stop bullying students kapalit ng pagpayag niyang ligawan ko siya haha"

Napatakip ako ng bibig, "Freak! Mautak ka." tawang-tawa ako kasi ang talino haha

"I courted her for a week. Nagulat nga ko because I expected her to play hard to get. But she told me that she loves me too kaya bakit niya pa patatagalin?" Anthony's eyebrows met. Bumalik ang galit at pagkairita sa mukha niya, "Two weeks pa lang kami pero ginago na niya ako.."

Nagulat ako, "G-ginago?"

"Someone gave me a picture of her.. kissing with another man. I let her explain, lasing daw siya non. She apologized. And there, pinatawad ko siya."

"But...why... I mean---" I stopped dahil nagsalita ulit siya.

"Kasi mahal ko siya eh. Hindi pa ba sapat na dahilan yun para patawarin ko siya?"

Newton's Princess Vol. 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon