Chapter 45: Negativity
Rona's Point of View
"Manang, where's mommy?" tanong ko pagbaba ko. Kagigising ko lang at tuwing ganito talaga, presensya ni mommy ang hinahanap ko.
"May medical mission kasama ng daddy mo sa Guimaras. Sa makalawa pa raw ang balik nila. Teka, gusto mo na bang mag-almusal?" sagot ni manang na agad ko naman tinanguan kaya sinundan ko siya papunta sa dining.
Ang daming pagkain. But what's the sense of these kung mag-isa ka lang kakain? Dapat sanay na ako eh. My parents are doctors. Halos hindi na nga kami magkakitaan sa bahay. Lagi silang wala at kung andyan naman sila, nasa school naman ako.
"Pamela." tawag ko sa isa pang kasambahay namin na pinapanood akong kumain.
"P-po? Ako po?"
"May iba pa bang Pamela dito?" pagtataray ko sa kanya. Tinaasan ko pa siya ng kilay kaya napayuko siya. "Sabayan mo ko kumain." dagdag ko
Bahagyang tinaas naman niya ang dalawang kamay niya at paulit-ulit na umiling, "Huwag na po.. Nakakahiya naman... Tsaka kumain na po ako k-kanina..."
"Sit down and join me. Hindi kita inaalok dahil inuutusan kita kaya matuto kang sumunod sa amo mo. Naiintindihan mo ba?" seryoso kong turan kaya marahan siyang tumango at umupo sa harapan ko. Pinanood ko siyang kumuha ng kanin at ulam. Halatang nahihiya kaya hindi ko na tiningnan at nagpatuloy na lang sa pagkain ko.
The whole time na kumakain kami, she didn't talk. Minsan nahuhuli ko siyang sumusulyap pero hinayaan ko na lang. Tuwing may kasama ako, laging ganito. Hindi sila yung unang nag-aapproach o kumakausap sa akin. Aware naman ako na mukha akong mataray pero hindi naman ako nangangain. If they only try to know me better, baka makasundo ko pa sila. Kaso hindi, walang sumusubok. Ni isa. And that's what pains me, tanggapin na walang sumusubok para makasama ka.
"What are you doing here?" Inayos niya ang salamin niyang nagbabadyang mahulog bago isara ang librong binabasa niya. Typical Sassa.
"We didn't see each other for weeks. Yan pa ibubungad mo sa akin?" Tinaasan ko siya ng kilay kaya napailing siya at umirap. Kailan pa natutong umirap to?
"Problema mo? Spill, Rona." aniya sabay upo sa kama niya. I sat beside her. Nandito ako ngayon sa kwarto niya. Since wala akong gagawin sa bahay, I decided to visit her.
"Wala akong problema." I slightly smiled at her. Tiningnan naman niya ako ng ilang sandali bago tumango at kinuha ulit ang libro niya. Akmang magbabasa na siya kaya pinigilan ko.
"Actually.."
"What? Sinasayang mo oras ko." she's too straight forward! Ako rin naman eh, pranka akong tao pero inaayawan ako dahil sa ugali kong yon. Pero bakit kapag si Sassa, hindi mo magagawang mainis?
"May problema ba sa akin? Tell me, anong dapat kong baguhin? Araw-araw kong tinatanong sa sarili ko to pero wala akong makuhang sagot. Come on, Sassa. I-realtalk mo ko, ayos na ayos lang. I won't get mad."
Tumikhim siya bago magsalita, "Insecure."
One word but says it all.
"Pero may kasalanan din naman mga tao sa paligid ko kung bakit ganito ako. If they don't make me feel unwanted most of the time, maybe I'd learned how to love and accept myself para hindi na ako mainggit pa sa iba."
"You cannot please everyone." Sassa answered
Tumango-tango ako sa kanya, "Yeah right. Totoo naman. Pero pwede rin bang we cannot make everyone despise us? Parang mas malaki pa kasi population ng mga may ayaw sa akin kesa sa mga gusto ako makasama."

BINABASA MO ANG
Newton's Princess Vol. 1 [COMPLETED]
Comédie[NEWTON 1] Daphnie needed to transfer to a different school due to the conflict she has had with her half-sister for several years. Only to find out that her classroom for ninth grade will be filled with many boys who hold a single rule. Newton's ru...