Chapter 43: Chikito

4.5K 146 25
                                    


Chapter 43: Chikito

Chikito's Point of View

"Are you sure magiging okay ka lang dito?"

Ang kulet ni Daphneng, pakisapak nga.

"Oo nga! Para kang sirang plaka Daphneng, ulet-ulet!"

Nanatiling seryoso ang mukha niya, "Pwede naman kitang samahan dito kung gusto mo?"

"Yuck rape-in mo pa ako!" hiyaw ko sa kanya

Napasabunot siya ng buhok at mukhang luka na. Ay hinde, matagal na palang luka-luka yan, "Wow ha! Ako pa talaga! Hiyang-hiya naman daw ako sayo" simangot niya pero kaagad din lumapit sa akin, "pero seryoso nga? Ayaw mo?"

"Nakaligo't uniporme ka na, ngayon mo lang tinanong yan. Abnormal!" pinitik ko ang noo niya kaya napapikit siya't tinampal ang braso ko, masakit daw.

"Naman e!" pagmamaktol niya

"I can handle myself."

"English yun ah?" aniya, nang-iinsulto potek.

Narinig ko lang yun kung saan. LOL!

Inabot ko ang stress ball na nakapatong sa side table katabi ng kama ko at binato yon sa kanya pero nasalo niya, "Pumasok ka na nga!"

"Okay, sorry na!" Nakasimangot siyang kumaway at naglakad palabas ng kwarto ko.

Dapat ilang araw pa ako sa ospital dahil hindi ko pa maigalaw yung paa ko. Pesteng ibon yon, baliin ko leeg nun e! Sa aming tatlo, ako pa napiling puntiryahin. Pati ba naman yun nahuhumaling saken? Pucha, hirap maging gwapo talaga minsan e.

Mas pinili kong dito sa bahay na lang magpagaling kasi nakakayamot sa ospital. Baka mas mapaaga pagkamatay ko dun dahil amoy gamot at bangkay tas idagdag mo pa yung mga buset na nurse dun! Chochoosy kala mo mga chix. Pasesante ko kaya sila kay Michael?

Ay huwag na lang. Baka mapaaga pagkuha sa akin ni Lord

Tapos isa pa yang si Daphnie, sarap paslangin! Naknang, instant bait saken! Sinapian ata yun e. Pero naisip ko na baka may nalaman kaya naaawa sa akin o ano. Ewan ko, basta naisip ko yun. At oo, nag-iisip ako! May utak 'to dude! Nakikibasa ka lang kaya huwag mo ko iniinsulto kingina ka.

Biglang bumukas pinto ng kwarto ko at niluwa sina Kekem at Bentot.

"Hindi ka papasok?" tanong ni Bentot

"Nang-aasar ka ba?" sagot ko sabay turo sa paa kong sinemento.

"Vuvu." Tinawanan siya ni Kekem kaya ayun, sinapak niya. Ewan, abnormal ng mga to. Ako lang talaga matino dito, wew nu daw.

"Hoy" dinuro pa ako ni Kekem, "huwag ka gagawa ng katangahan dito lalo na't mag-isa ka. Kung magpapakamatay ka, may lubid dyan. Tanggalin mo na lang kapag hindi ka na makahinga"

"Ulul." Pinakyuhan ko nga.

Tumawa sila nang malakas. Kaya napangisi ako at napailing na lang.

"Basta huwag ka papakamatay gegu. Tuturuan pa kita mag-english e." Langyang Kekem to, makapagsalita akala mo galing galing sa english. Urat!

"Labyu, tol." sabay nilang sabi

Nagkunwari akong nasusuka kaya pinakyuhan nila ako parehas bago sila lumabas ng kwarto ko. Kung may mga kaibigan kang ganon, magtatangka ka pa bang magpakamatay? Hindi diba, dahil kung tutuusin ang swerte mo na. Kahit mga balasubas, may pake naman sayo.

Hindi gaya ng mga magulang ko.

Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ni Daphneng nung pag-alis ng mga magulang ko.

Newton's Princess Vol. 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon