Chapter 15: Sassa's downfall

5.2K 175 40
                                    

Chapter 15: Sassa's downfall

Daphnie Kisha's Point of View

"Dito ka nakatira?" Sassa roamed her eyes around my condo unit. Parang hindi pa siya makapaniwala na dito talaga ako nakatira.

"Yup, bakit?" Nilapag ko yung bag ko sa couch.

"It's quite small and empty." Ang straightforward talaga ng babaeng to.

Tumango ako, "I know but it doesn't matter kasi ako lang naman ang titira. I didn't expect na magsasama tayo dito kaya mga kailangan ko lang talaga binili ko."

Yeah, you've read it right. Gusto ni Sassa na magkasama nalang kami sa iisang condominium.

Rona and Charlyn went back to their families, aalis na rin sila sa Clifton Academy. Ayaw kong galit sila sa akin pero hindi ko talaga kayang iwan ang mga Newton. Kahit loko-loko mga yun, napamahal na sila sa akin kahit sa maikling panahon pa lang. Pwede namang kasama ko silang pareho diba? Why do I have to choose?

"Stop overthinking. Masstress ka lang" rinig kong sabi ni Sassa, "Daphnie, paano ka nakakasurvive dito? Walang pagkain, walang stove o microwave man lang?"

Napakamot ako ng ulo, "Uh fast foods? Bumibili lang ako sa labas. Hehe"

"That's not healthy, mamamatay ka agad. Come on, grocery tayo." she grabbed my hand tsaka kami lumabas ng condo unit ko.

Grabe siya sa mamamatay agad!

So ayun, nagrocery kaming dalawa. Treat niya raw kasi diba naging slave ako para lang mabasa niya yung Noli. I think boring talaga non. Hays, Sassa.

"Geh tulak mo na" I giggled when she pushed the push cart while I am on it.

"Childish." bulong niya habang pailing-iling.

Habang nagtutulak si Sassa, panay naman ang kuha ko ng mga chitchirya at iba pang kailangan namin.

"Dami naman nyan." aniya

"Libre eh. Sulitin na. Hahaha"

"Close ba kayo nung Daniel?" natigilan ako sa pagkuha ng mga pagkain dahil sa tanong niya.

I stared at her suspiciously, "You mean, Daniel Aldrin?"

She nodded, "Oo."

"Uh, sakto lang? Ewan. Tahimik non eh" Tiningnan ko siya sa mata, napaiwas naman siya, "Huy Sassa! Why are you asking about him? Type mo noh?"

Tiningnan niya ako pero napaiwas ulit siya ng tingin kaya natawa ako, "May gusto ka sa kanya!? Kelan pa?"

I'm so excited and happy for her! First time magkagusto nito eh. I thought she's going to prove that forever is real...well, with books.

"No. I don't like him. Masama bang magtanong?" sabi niya

"Sa dami nila siya talaga natanong mo? Uhm. Medyo kahina-hinala nang very slight" Bumungisngis pa ako dahil kinikilig ako. Shems dalaga na si Sassa!

"Ewan ko sayo, Daphnie."

"Alam mo, bagay naman kayo eh" I said while putting some shampoos and soaps sa cart.

"Really?" she asked

"Joke lang. Tao kayo, ano ka ba naman" I laughed when she pouted.

Confirmed!

"Fine, yeah, bagay kayo para sa isa't isa. Happy ka na? Smile ka na" sabi ko kaya she smiled pero slight lang.

"I don't know if I really like him, it's just that I'm being conscious whenever I see him staring at me." paliwanag niya

Newton's Princess Vol. 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon