Useless na iwasan pa ni Chesca ang tawag ng parents niya, or ng mga kaibigan niya. Alam na din naman ni Francis kung nasaan sila. Ngayon hinayaan na niyang naka open ang mga celphone niya. Kahet nagkausap na sila ni Nancy at nalaman na niya yung side nito, hindi pa din niya alam kung totoo yun. Hindi niya ganun kakilala si Nancy, malay ba niya kung niloloko lang din siya nito. Kung nagkausap na sila ni Francis at palabasin na yun ang totoong nangyari. Mahirap maearn ang trust, hindi yun makukuha ng overnight, dapat yun pinagsisikapan. Habang andun si Francis sa Cebu, hindi muna siya ulit naghanap ng work, Ito naman kase ang gumagastos ng lahat. Kahet ayaw niya, nagpumilit pa din ito.
Andun pa din si Francis sa Cebu, sa kanila ito nag istay. Bumili siya ng secondhand na kotse para may magamit sila. Dun na din siya nagttrabaho sa bahay. Hindi pa din sila madalas na naguusap ni Chesca, kapag lang andiyan na ang mga bata from school saka sila nagkakausap. Minsan, hindi talaga siya kinakausap ng asawa. After nitong maghanda ng food nagkukulong na ito sa kwarto. Hindi din maintindihan ni Francis kung bakit siya nagtitiyaga ng ganun, Chesca is so close to him, and yet it seem so far.
That day, naihatid na ni Francis ang mga bata sa school, pagbalik niya nakita niyang naglilinis ng bahay si Chesca.
F: I think we should get a maid.
C: wag na kaya ko naman.
F: kung araw araw na ganyan mahihirapan ka pa din.
C: hindi, na kaya ko nga dati. Mag iisang buwan na kame dito, wala naman akong naging problema.
F: wala ka na bang balak bumalik sa Manila Chex?
C: hindi muna ngayon. Saka nag aaral pa yung mga bata, hindi pwedeng hindi nila tapusin.
F: kakasimula pa lang ng klase, baka pwede pa naten silang ihabol sa dati nilang school. (tumingin lang si Chesca sa kanya sa tinuloy yung ginagawa)
C: ikaw hindi ka pa ba babalik? (tanong nito, pero hindi sa kanya nakatingin)
F: hindi pa.
C: Pano yung kumpanya?
F: kaya na nila yun dun. Saka chinecheck ko din naman sila madalas. Matagal na kong hindi nagpupunta sa office, usually I do work at home.
C: pano yung mga clients.
F: I assigned it to the managers. Hindi pwedeng habang buhay ako ang haharap sa clients at makikipagmeeting. It’s their job, not mine.
C: kelan mo balak umuwi?
F: pagready na kayo. (tumingin ito kay Chesca) hindi ako uuwi ng hindi kayo kasama chex. Kahet paalisin mo ko dito ngayon hindi ako aalis. Hindi ko hahayaan na mawala kayo ulit saken. Kaya kahet san kayo pumunta, susunod ako, kahet ayaw mo.
On the other hand,
Bernice: mom, do you think something bad happened to ninang chesca and to Kath and Kristoff?
Joan: no I don’t think so, why?
B: because its been a month but still we haven’t got any news from them.
J: don’t worry, I know your Ninong Kiko will never stop until he finds them.
B: I think he’s mad at me… remember the last time he was here, he’s shouting. And I got scared, really.
J: he’s not mad. You know he loves you right?
B: but I told Ninang what I saw. And they got separated.
J: we’ll try to call your ninong Kiko to know if there’s any news about your Ninang ok?
B: ok, but I don’t want to talk to him, im afraid that he’ll shout at me.
BINABASA MO ANG
THE STORY OF BERNICE
Fanfictionplss read this before you read this story http://www.wattpad.com/story/2079706-attention-you-must-read thnx :D