Papasok na ulit si Chesca sa office, namiss niya ng magtrabaho. Kahet nedyo nakakaramdam pa din ng morning sickness, okay na naman yung pakiramdam niya. Saka sa office lang naman siya. Hindi niya alam kung anong nag aantay sa kanya sa office.
F: are you sure ready ka ng pumasok? Kaya mo na ba?
C: oo naman. May babalikan pa ba ko dun?
F: siempre. Ano bang tanong yan.
C: matagal na kong AWOL, baka tinanggal na ko sa trabaho…
F: kung sino man magtatanggal sayo sa trabaho, tatanggalin ko.
C: ang yabang mo. (hinampas pa siya nito sa braso)
F: alam mo feeling ko talaga ako pinaglilihian mo eh.
C: ewan ko sayo… lika na nga. Late na tayo.
F: yaya violy, alis na ho kame. Pakisabi na lang kay Mang Gary sunduin yung mga bata sa oras ha…
YV: oo sige, ingat kayo ha.
C: sige po yaya, salamat.
Pagdating ni Chesca sa office, halatang namiss sia ng mga tao dun, matagal din siyang nawala, mahigit 1 month siyang hindi nakita ng mga ito… alam din niyang ilang beses din silang nasabon ni Francis ng walang banlawan, nakwento yun lahat sa kanya ni Girlie. At yun yung mga araw na hindi pa siya nito nakikita. Lahat ng nasasalubong niya sinesenyasan niya lang na babalikan niya para makipagkwentuhan.
C: what happened to my office?
F: bakit?
C: gift shoppe na ba to ngayon?
F: yan pa yung mga regalo ko sayo simula nung umalis ka ng walang paalam. (bulong nito sa kanya) I’ll be at my office, see you around. (he kissed her and left)
Punong puno nga ng gift ang table niya, pati pedestal niya at yung ibabawa ng cabinet niya puno din ng regalo.. she checked the cards one by one.. Halos everyday yata may regalo siya from him. At kahet hindi sila nito nagkikita, nag iiwan ito ng regalo sa office niya… itinabi niya muna lahat yun, mamaya na lang niya bubuksan pag wala siyang gagawin. She checked on Girlie kung meron ba itong work na kelangan tapusin or ireview, sabi ni Girlie wala naman daw. Yung work kase niya dati, si Francis na ang gumagawa ngayon. She called him.
C: anong gagawin ko dito sir? Nasa iyo pala lahat ng trabaho ko.
F: yup, wala kang gagawin diyan ka lang. (nakatingin ito sa kanya)
C: wala ka bang meeting, sir?
F: wala, hindi na ko humaharap sa meeting ngayon ma’am. If in case hindi mo pa alam.
C: eh anong gagawin ko?
F: wala nga, diyan ka lang, open your gifts. Gusto mo dito ka sa office ko and be Mrs. Aquino for the day. Leave ka muna ulit as the EVP.
C: hahaha funny. Wala kang gagawin?
F: uhmmm, konti lang to. I can do this.
C: tulungan na kita.
F: no need baby, just stay there.
C: sige na, boring wala akong gagawin for 8 hours??
F: hmmm, gusto mo lang akong papuntahin diyan sa office mo eh. I’ll be right there.. bye.
C: love you!
F: I love you more.
Maya maya pa andun na si Francis sa office ni Chesca. Dun ito nagttrabaho. Dun din siya gumagawa ng mga phone calls niya. Wala namang ginagawa si Chesca sa office niya. Nagbabasa lang siya ng magazine o kaya nag ffacebook or nagttwitter. Kung ano ano lang ang ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
THE STORY OF BERNICE
Fanfictionplss read this before you read this story http://www.wattpad.com/story/2079706-attention-you-must-read thnx :D