Ch. 74 - Hangover

240 13 7
                                    

Naruto ©Masashi Kishimoto

Keiko, Aiko and story © Kayzelle Ailo Noscal

(The pictures that will be included here ay galing lang sa google, kunware sila nalang yung mga taong tinutukoy sa story.)


Ch. 74 - Hangover

------------------

Naruto's POV

"Hoy! Ba't ni-lock niyo kami dito?!" Sigaw ko habang nilalagabog 'yung pinto ng kwarto.

"Uh, N-Naruto baka masira 'yung pinto." Sabi ni Hinata na katabi ko, kaya tinigilan ko na ang paghampas sa pinto at sumigaw nalang.

"Sakura! Ino!" Pero naririnig naming nagtatawanan lang sila sa labas.

"Naru! Hina! Naru! Hina!" Habang paulit-ulit na sinasabi ang mga salitang yan.

"Ano ba baka pagod na si Hinata pag pahingahin na natin siya!" Sabi ko sa tapat ng pinto.

"Edi humiga na kayo jan!" Sabi ng boses ni Ino.

"Pero wag muna kayong tutulog ha!" Sabi naman ni Sakura at muli ay nagtawanan sila.

"Okay lang ako Naruto." Sabi ni Hinata habang nakangiti at isinenyas 'yung kamay niya.

Haaaaaayy.

Hindi ko naman pwedeng sirain 'tong pinto, lagot ako ni Keiko.

Hindi rin naman ako maalam magbukas ng lock.

...

Napakamot nalang ako sa ulo at sinabing, "Hinata, okay lang ba sa'yo kung dito na lang tayo matulog?".

"O-okay lang, Naruto." Sagot niya.

Namula siya bigla, baka iniinit siya.

"Ah! Bubuksan ko 'yung aircon teka lang Hinata ha." At binuksan ko na nga ito. "Matulog ka na diyan sa kama, baka pagod ka na eh, dito na lang ako sa sahig." Alok ko.

I-isa lang kasi 'yung kama.

"Hindi ka ba lalamigin diyan Naruto?" Sabi ni Hinata, "P-pwede ka namang tumabi dito.".

"Ah hindi na Hinata, sanay naman na ako." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

Siyempre gentleman 'to 'no! HAHA

"Sige." Sagot niya at humiga na nga.

At humiga na rin ako, i-isa lang ang unan at walang kumot kaya wala akong naipan-latag sa sahig na hinihigaan ko ngayon, pero okay na 'yun, ang importante komportable si Hinata.

"Goodnight Hinata, mahal kita!" Sabi ko bago ipikit ang mga mata ko.

...

Hindi siya sumagot?

Eh, baka tulog na, napagod siguro siya.

Makatulog na rin!

------------------------------

Hinata's POV

"Goodnight Hinata, mahal kita!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Naruto.

Namumula ako panigurado ngayon!

Hindi ako nakasagot. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Na iyong taong gusto ko, ay gusto rin pala ako...

STUCK IN NARUTO WORLD?! WHATTHEFISH?! (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon