029

152 14 3
                                    

Minghao's POV




"Minghao, please naman oh." Sinusundan ako ni Jun kahit saan ako mag punta.




"Ano ba? Putangina ha. Kanina ka pa." Hinarap ko sya.




"Liligawan pa rin kita, Hao. Di ako titigil. Break na nga kami ni Aj." Tinaasan ko lang sya ng kilay.




"Anong di mo maintindihan sa itigil mo na ang panliligaw? Madali lang intindihin yon, Jun."




"Alam ko. Pero ayoko ngang tumigil. Papatunayan kong mahal kita." Sabi nya.




"Pumayag ka na please." Tumango ako. Nagulat ako nang bigla nya kong yakapin.




"Salamat, Minghao! Puta. Huehue. Ang saya." Tinulak ko sya.




"Pumayag lang ako kasi sabi ni Jeonghan yun."




"Bente ko mamaya, Jun." Biglang sabi ni Jeonghan at nilagpasan kami.




"Saan galing yun?" Tanong ni Jun.




"Papahirapan kita sa panliligaw, Jun."



"Okay lang. Basta ikaw." Sabi nya at nag wink.




"Simulan mo na ngayon. Buhatin mo yang bag at mga libro ko." Sinunod nya ko. Pumunta na kami ng room.



Umupo na ko sa upuan ko. Pinatong nya yung mga books sa lamesa ko at sinabit yung bag ko sa likod ng katapat kong armchair. Uupo na sana sya sa tabi ko nang tawagin ko sya.



"Nagugutom ako. Bilihan mo ko ng cake. Chocolate flavor." Tumango sya at tumayo.



"Wag mo na kong bigyan ng pera. Ako na gagastos para sayo." Sabi nya at lumabas na ng room.



"Aba talaga. Wala akong balak na bigyan ka ng pera." Bulong ko sa sarili ko.



Maya-maya ay bumalik na si Jun dala ang chocolate cake ko. Kinuha ko agad sa kanya yung cake at agad na kinain.



"Jun, ang tamis nitong cake. Tubig please." Tumango sya at lumabas ng room.



"Eto na." Inabot nya sakin yung tubig.



Ininom ko na yung tubig. Uupo na sana sya nang tawagin ko ulit sya.



"Walang lasa yung tubig hehe. Bili ka nga ng C2." Bumuntong hininga sya bago lumabas ng room. Whahahaha!



Buong mag hapon ay inutusan ko sya. Di sya umaangal. Basta ginagawa lang nya. Uwian na kaya buhat ni Jun yung bag at libro ko. Dumiretsyo muna kami ng locker bago nya ko ihatid sa bahay namin.



"Salamat." Binigay na nya sakin yung bag ko. Tumango lang sya at umalis. Pumasok na ko sa bahay namin. Hindi pa nga mahirap yung mga pinapagawa ko kay Jun eh.

Suitor ❀ JunHaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon