"Tao po! Ang mga biswal nandito na." Tumayo si Wonwoo para buksan yung pinto. Napatulala si Mingyu. Si Wonwoo naka poker face lang.
"Oy tangina mo ba? Tutunganga ka nalang ba dyan?" Soonyoung.
"Gago ka. Pumasok ka na nga!" Tinulak sya ni Seungcheol papasok.
"So... Kamusta naman si Minghao?" Tanong ni Jisoo.
"Comatose sya fafa Jisoo." Sabi ni Seokmin.
"Ah k." Maikling sagot nya kay Seokmin.
"Gosh! Humaygawd! Nikikilig ako. Hihi." Seokmin.
"Ano namang nakakakilig don?" Tanong ni Jihoon.
"Kasi napansin ako ni Jisoo love! Kahit 'ah k' lang ang sinabi nya. Hihi." Kinikilig na sabi ni Seokmin.
"Para kang tanga alam mo ba? Kung hindi pa, ngayon alam mo na." Wonwoo.
"Hoy Jun. Kumain ka na ba? Mag pahinga ka kaya muna." Seungcheol.
"Okay lang ako." Jun. Naka-upo sya sa monoblock na katabi ng kama ni Minghao.
"Kailan daw magigising si Minghao?" Vernon.
"Sabi ng doctor kanina pwedeng hindi na sya magising o baka abutin ng ilang taon bago sya magising." Jeonghan.
"Hihintayin namin ang pag gising nya. Kahit ilang taon pa yan basta magising sya." Seungkwan.
"Jun, hindi ka makakatulong sa pag gising ni Minghao kung patuloy kang mag iinarte." Jisoo.
"Gigising rin naman si Minghao. Kailangan lang natin mag hintay." Mingyu.
"Wag mo na rin sisihin ang sarili mo hyung. Walang may gustong mangyari 'to." Chan.
Tumango si Jun, "Oo na. May pagkain ba kayo? Nagugutom na ko eh."
"Kanina ang pabebe mo. Kingina nito. Oh eto." Binigay ni Seungcheol yung baon nyang pagkain para kay Jun.
"Umuwi ka sa bahay mamaya. Pumasok ka rin sa school bukas." Jisoo. Tumango lang si Jun.
"Sinong mag babantay kay Hao?" Soonyoung.
"Dadating yung mga magulang nya mamaya. Sila na muna mag babantay." Wonwoo. Tumango silang lahat.
"Uuwi na kami ah?" Pinatong ni Vernon yung hawak nyang basket ng prutas sa lamesa.
"Pero may tanong ako. Bakit nag dadala yung mga bisita ng mga prutas sa pasyente kung di naman nila nakakain diba?" Lahat sila natahimik sa sinabi ni Seokmin.
"Tangina mo, Seokmin. I-search mo sa Google ng malaman mo." Wonwoo.
"Bibisita ulit kami sa susunod. Bye." Umalis na yung anim.
"Nag tatanong lang naman ako eh." Sabi ni Seokmin.
"Ewan ko sayong kabayo ka." Seungkwan.
Nasa ospital lang sila hanggang mag hapon. Dumating na yung mga magulang ni Minghao kaya umuwi na si Jun. Maya-maya lang ay umuwi na rin sila Jihoon para makapag-pahinga dahil may pasok pa sila bukas.
×××××
BINABASA MO ANG
Suitor ❀ JunHao
Short Story〖 Epistolary 〗【 Hongoloid series 2 】 || JunHao || 『 Oy! Liligawan kita ah!- Minghao 』 「 Starring: Wen Junhui, Xu Minghao and other SVT members. 」 ✦ @bluseoul Salamat uli sa book cover bes ✦