033

148 15 0
                                    

Jun's POV



"Hao?" Hinahanap ko kasi si Minghao. Kung saan-saan ko na sya hinanap pero hanggang ngayon di ko pa rin nakikita. Babalik na sana ako sa room nang bigla kong marinig ang boses ni Minghao.



Nasa isang classroom sila ni Jeonghan. Sumilip ako sa pintuan. Gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila...



"Bakit mo ba kong gusto kausapin, Han?" Hao.



"About dun sa pustahan." Bigla akong kinabahan. Anong pustahan kaya yun?



"Ah oo! So ibibigay mo na ba ang mga poster ni Lee Min Ho sakin? Kami na ni Jun." Sabi ni Minghao.



"Dahil kayo na ni Jun... Ibibigay ko na ang premyo mo!" Jeonghan. Teka ano? Pinag-pustahan nila ako?



"Gosh! Salamat! May pag nanasaan nanaman ako---"



"JUN!" Nagulat ako ng tawagin ako ni Mingyu.



"Anong ginagawa mo dyan?--- O MINGHAO AT JEONGHAN!" Mingyu.



"Uy Jun! Bakit nandito ka?" Tanong ni Hao sakin. Tumawa ako ng peke.



"Gusto ko sanang humingi ng poster ni Lee Min Ho sayo. Para may pag nanasaan na rin ako." Nagulat silang dalawa ni Jeonghan.



"Ano ba bro! Mas pogi naman ako kay Lee Min Ho ako nalang ang pag nasaan mo!" Mingyu.



"Mas maputi naman sya sayo." Sabi ni Jihoon at nilagpasan kami.



"Tangina. Ang shaket ah." Mingyu.



"Narinig mo, Jun?" Jeonghan.



"Yung pustahan ba? Oo naman." Sabi ko.



"Masaya ka na ba dyan sa poster na yan? Tangina. Kahapon nga lang naging tayo. Tapos malalaman kong pinag-pustahan nyo lang pala ako nang dahil dyan sa pesteng poster na yan!" Galit na sabi ko. Nakita kong naiiyak na si Minghao.



"Sige na. Okay lang. Break na tayo ah? Salamat sa lahat. Bye." Umalis na ko. Nararamdaman kong hinahabol ako ni Minghao.



"JUN!" Sigaw nya. Pero patuloy lang ako sa pag lalakad. Lakad takbo na ata ang ginagawa ko.



Nasa labas na kami ng school. Hanggang ngayon hinahabol at tinatawag pa rin ako ni Minghao. Tumawid ako ng kalsada. Galit na galit ako sa kanya.



"JUN!! AH!" Napatigil ako sa pag lalakad ng makarinig ako ng tilian.



"Uy! Tumawag kayo ng ambulansya!"



"Anong nangyari?"



"May nabangga daw!"



Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko. Nakita ko ang mga taong nag kukumpulan.



"Hao..." Mahina kong sabi. Tumakbo ako at tinulak yung mga taong humaharang sa daan ko.



Nanlambot ang tuhod ko ng makita ko si Minghao na puro dugo. Lumuhod ako at niyakap sya.



"J-jun..." Bulong nya.



"Sorry, Minghao! Kasalanan ko 'to." Umiiyak kong sabi.



"Shh. Basta p-palagi mong t-tatandaan na... M-mahal na m-mahal k-kita." Nakapikit nyang sabi.



"Hao! Wag ka namang ganyan." Ngumiti lang sya.



"Mahal na mahal din kita." Dumating na ang ambulansya at dali-dali syang sinugod sa hospital.



"Kasalanan ko 'to." Bulong ko. Napaupo nalang ako sa sahig.



×××××

Suitor ❀ JunHaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon