038

101 11 3
                                    

Dalawang linggo ulit ang nag daan bago dumalaw si Jun kay Minghao. Pag katapos na pag katapos ng exam nila ay dumiretsyo na agad sya sa ospital para bisitahin si Minghao.



Pag kabukas nya ng pinto, nakita nya ang magulang ni Minghao. Pumasok sya at binati ang mga ito.



"Good afternoon po." Ngumiti si Jun sa dalawa.



"Good afternoon din." Ngumiti sila pabalik.



Nilagay nya sa lamesa yung prutas na dala nya at dumiretsyo kay Minghao para halikan sa noo. Hindi nya inisip ang magiging reaction ng magulang ni Minghao.



"Ikaw ba si Jun?" Tanong ng papa ni Minghao.



"Opo, bakit po?" Ngumiti ang mag asawa.



"Palagi ka kasing kinukwento ng anak namin." Ngumiti lang si Jun.



"Hindi naman kami tutol sa pag mamahalan nyong dalawa. Kung san masaya si Minghao edi payag kami." Sabi ni papa Xu.



"Pero Jun. Isasama kasi namin si Minghao sa America." Sabi ni mama Xu.



"Po? Bakit po?" Tanong ni Jun.



"Para mabantayan sya ng maayos. Mas maganda kasi kung dun sya sa America. Pero wag kang mag alala. Babalik kami kapag gising na sya." Tumango nalang si Jun. Wala syang magagawa dahil magulang yun ni Minghao.



"Kailan po kayo aalis?" Tanong ni Jun.



"Sa linggo na." Sabi ni papa Xu.



Ngumiti ng malungkot si Jun. Hanggang bukas nalang nya makikita si Minghao.



"Kung ganon po ay lulubusin ko na ang araw na natitira para makasama sya." Tumango at ngumiti nalang ang magulang ni Minghao.



Hinaplos ni Jun ang buhok ni Minghao. Buong mag gabi nyang binantayan si Minghao. Doon na rin sya natulog. Sinusulit ang araw na mag kasama silang dalawa.



×××××

Suitor ❀ JunHaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon