035

155 14 2
                                    

Pumasok na sila sa loob ng kwarto ni Minghao. Nakita nila si Minghao na may benda sa ulo at madaming nakatusok sa katawan nito.



"Kawawa naman ang kaibigan natin, ajuju. Ang payat na nga tapos kung ano-ano pang nakatusok sa katawan nya." Seungkwan. Kinuha ni Jun yung monoblock sa gilid at pinuwesto sa tabi ng higaan ni Minghao. Hinawakan nya yung kamay nito.



"Minghao, gumising ka agad ah? Mag sosorry pa ko sayo." Sabi ni Jun. Tumungo sya at niyakap si Minghao. Lumapit sa kanya si Wonwoo at tinapik yung balikat nito.



"Kailangan lang ng konting pahinga ni Minghao, magigising rin yan. Di agad namamatay ang masamang damo." Wonwoo. Tumango yung iba. Napangiti nalang si Jun.



Sa kabilang dako...



"Hoy nurse! Nakikinig ka ba?" Seungcheol.



"Wala kaming oras para panoodin kang mag laway samin." Vernon.



"Importante 'to kaya sabihin mo na samin kung anong room number si Xu Minghao!" Jisoo.



"Alam kong napaka-gwapo ko kaya naman-----" Hindi pa tapos mag salita si Mingyu ng sumingit si Soonyoung.



"Hindi pa patay si Minghao para mag paramdam, pero bakit bigla atang humangin?" Soonyoung. Nag pout nalang si Mingyu.



"Hayaan mo na yan, sunog naman yan eh." Seungcheol.



"Kingina nitong mga 'to. Ako ang biswal sating Tropang top! Why you do this to me? Ajuju." Mingyu.



"Bilis na mga hyung! May papanoodin pa ko sa bahay eh!" Reklamo ni Chan.



"Anong why you do this to me? Nag papatawa ka ba tutoy?" Jisoo.




"Ano namang papanoodin mo?" Vernon.



"Fifty shades of Grey hyung! Sabi kasi sakin ni Soonyoung hyung maganda daw yun. Tapos sabay naman daw naming papanoodin yung fifty shades darker sa susunod!" Tuwang-tuwang sabi ni Chan.



"Wait. Naiihi ako. Brb." Aalis na sana si Soonyoung nang higitin sya sa buhok ni Jisoo.



"AWW! Ang sakit! Have mercy on me!" Soonyoung.



"Mag sisimba ka mamaya ah!" Jisoo. Agad na tumango si Soonyoung. Binitawan na sya ni Jisoo.



"Tapos ka ng manood samin?" Tanong ni Seungcheol dun sa nurse na parang waterfall na yung bibig. Hindi umimik yung nurse.



"Sa tingin ko hindi pa." Mingyu.



"Eh kung itanong nyo nalang kay Jun? Ang bobo nyo naman. Tsk, tsk." Soonyoung.



"Oo nga! Kingina para namang abnormal 'tong nurse na 'to eh." Chan.



"Shh! Dino!" Saway ni Seungcheol kay Chan. Nanahimik nalang sya.



"Sige, ako na mag te-text." Jisoo.



"Kung ang titig ay nakakalusaw kanina pa ko nawal-----" hindi nanaman natapos yung sasabihin ni Mingyu.



"Tara na guys. Sundan nyo nalang ako." Sabi ni Jisoo at nag simula ng mag lakad. Sumunod naman yung iba. Naiwan si Mingyu na nangingitim ay este namumula sa inis.



×××××

Suitor ❀ JunHaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon